
CLAIM: Pumanaw umano si Ricky Davao dahil sa aneurysm.
RATING: HINDI TOTOO
Isang Facebook page ang nagpakalat ng maling impormasyon na pumanaw umano ang batikang aktor at direktor na si Ricky Davao dahil sa brain aneurysm. Ang nasabing post ay isang emosyonal na pag-alala mula sa isang nagpakilalang “Mayeth Malca,” na ipinresenta ang sarili bilang kasintahan umano ng aktor.
Base sa post, bigla raw nakaranas si Davao ng matinding pananakit ng ulo at agad na isinugod mula Makati patungong St. Luke’s Medical Center. Dagdag pa rito, dinala raw siya sa ibang bansa para sa mas advanced na gamutan, gaya ng Mayo Clinic sa Amerika at stem cell therapy sa Switzerland, ngunit lalo lamang lumala ang kanyang kalagayan hanggang sa siya ay pumanaw.
Noong Mayo 2, 2025, naglabas ng pahayag ang anak ni Ricky na si Ara Davao sa kanyang opisyal na Instagram account. Kinumpirma niyang namayapa ang kanyang ama bunsod ng komplikasyon dulot ng cancer.
Napag-alaman ng PressOne.PH na ang Facebook page na pinagmulan ng maling impormasyon ay orihinal na nalikha noong Marso 25, 2025, sa pangalang “Baby Dumbo.” Noong Mayo 5, ilang araw matapos ang pagpanaw ni Davao, binago ito bilang “Mayeth Malca” at sa parehong araw ay inilathala ang pekeng kwento. Makikita sa page transparency section ang mga naitalang pagbabago ng pangalan.
Ang larawang ginamit sa nasabing post ay black and white na bersyon lamang ng parehong litrato na makikita rin sa opisyal na Instagram account ni Mayeth Malca, tampok ang kanyang mensahe para kay Ricky Davao.
Sa dulo ng post, hinihikayat ang mga mambabasa na pindutin ang isang link na magdadala sa kanila sa isang pekeng website ng “Department of Health” na ginagaya lamang ang Philippine Heart Center.
Tampok sa website ang isang pekeng panayam kay Dr. Eric Tayag, na nagpapaliwanag umano ng paraan para maiwasan ang brain aneurysm gamit ang isang “espesyal na gatas” na sinasabing nagpapalakas ng blood vessels.
Sa pagbisita sa naturang website, isang produktong may pangalang “Cholexterol” ang ipinopromote.
Umani ang nasabing post ng 7,500 reactions, 872 comments, at 659 shares. Milyn Carreon
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers
A TikTok post claiming a drop in rice prices under President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. failed to provide context about the rice being sold at P20 per kilo, which is only available through the Department of Agriculture’s Kadiwa ng Pangulo (KNP) marketing initiative, and in selected KNP centers.

FACT-CHECK: Sen. Bato Dela Rosa did not meet Duterte in ICC on May 24
A Facebook post by “Makamasang OFW DDS International” falsely claimed that Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa met with former President Rodrigo Duterte at his ICC detention cell.