CLAIM: Isang video na nagpapakita ng milyun-milyong tao na sinisigaw ang pangalan ni dating pangulong Rodrigo Duterte. 
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Isang pro-Duterte Facebook user ang nag-recycle at nagbahagi ng isang minanipulang video na nagpapakita ng milyun-milyong taong sinisigaw ang pangalan ni dating pangulong Rodrigo Duterte at maling ipinahayag na ang video raw ay kuha mula rito sa Pilipinas. 

Ang parehong nitong manipuladong video ay dati na ring lumabas sa TikTok, ngunit ito ay may ibang pekeng overlay text. 

Kita pa rin sa video ang watermark ng TikTok user na unang nag-upload nito, isang ebidensya na ang content ay na-recycle. 

Kahit na na-debunk na ng PressOne.PH ang video na ito noon, muli itong lumitaw at nakakuha ng atensyon mula sa publiko kasunod ng umuusbong na hidwaan sa pagitan ng mga Duterte at kampo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Ang orihinal na video ay kuha sa Timor-Leste noong bumisita si Pope Francis sa bansa noong Setyembre. 

Makikita rin sa video ang mga tarpaulin ni Pope Francis na nagbabalita ng kanyang pagbisita sa bansa, isang pruweba na ang pagtitipon na ito ay nangyari na may kaugnayan sa kanya. 

Sa ngayon burado na sa Facebook ang video at nakakuha ito ng  2.5 million na views at 27,100 na reaksyon bago mawala. 

Nananatili namang buhay pa rin ang video sa Tiktok na may 1.9 million na views at 104,300 na reaksyon. Leigh San Diego


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});