
CLAIM: Isang video ng mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte na diumano’y nagrarally sa Netherlands.
RATING: HINDI TOTOO
Nag-post ang isang Facebook user ng video na nagpapakita ng mga taong nagrarally at maling ipinahayag na sila ay mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa Netherlands.
Sa isang deleted na post, ang video ay naglalaman ng audio ng mga tao na sumisigaw ng pangalan ng dating pangulo, kasama ang inedit na teksto na nagsasabing sila ay mga tagasuporta niya.
Sa pamamagitan ng geolocation, natuklasan ng PressOne.PH na ang tunay na lokasyon ng protesta ay sa Niš, Serbia, at hindi sa Netherlands.
Makikita rin sa video ang isang watawat ng Serbia, na nagpapatunay na mali ang pahayag.
Makikita rin sa TikTok ang ibang anggulo ng video na nagpapakita ng parehong landmark na nasa pekeng video, at ito ay isa pang patunay na ang protesta ay naganap sa Niš, Serbia.
Bago burahin ang post, ang video ay nakakuha ng 9,100 na shares, 8,000 na reaksyon at 1,000 na komento sa Facebook.
Sa ngayon, ang buradong video ay muling pinopost ng mga tagasuporta ni Duterte sa iba’t ibang social media platforms at patuloy na nakakakuha ng atensyon. Leigh San Diego
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT-CHECK: Old US Homeland Security travel advisory on NAIA circulates on TikTok
A TikTok account falsely implied that the US Department of Homeland Security recently issued a travel advisory stating that the Ninoy Aquino International Airport “does not maintain and carry out effective aviation security measures.”

FACT-CHECK: No irregularities with Starlink devices stored at a house in Davao City
A Facebook user falsely claimed that election paraphernalia were being stored illegally in a private property in Barangay Buhangin, Davao City.

FACT-CHECK: Social media user exaggerates audit findings on VP’s office
A Facebook user falsely claimed that the Office of the Vice President (OVP) was declared to be an example of “clean and honest” government by the Commission of Audit (COA) in 2023.