Opisyal na inutos ni Aquino ang decommissioning ng planta sa kadahilanan ng kaligtasan at ekonomiya.
CLAIM: Binalewala ni Pangulong Cory Aquino ang Bataan Nuclear Power Plant dahil sa paghihiganti
RATING: HINDI TOTOO
Maling ipinahayag ng Facebook page na “BBM SARA Tv’s” na ang dahilan daw kung bakit binalewala ni Pangulong Corazon Aquino ang Bataan Nuclear Power Plant ay bilang paghihiganti kay dating diktador Ferdinand Marcos, ang kanyang predecessor.
Galing mismo kay Marcos ang mga salita na ito sa video ng Facebook page na ngayon ay mayroon nang mahigit 3,600 views.
Kasabay ang komentaryo ng isang vlogger na nagtakip ng kanyang mukha gamit ang pulang facemask, mapapanood sa video ang pagpuna ni Marcos sa desisyon ni Aquino para ipasara ang planta:
“Ayaw niyang tanggapin ang aking mungkahi at maaalala daw ng taong bayan si Marcos hanggang nandiyan ang Bataan Nuclear Power Plant. Anong klaseng pag-iisip yan? Iyan ba’y paghihiganti? Huwag nang idamay ang sambayanang Pilipino.”
Inulit pa sa caption ang maling pahayag ng video: “Dahil lamang sa paghihiganti, hindi mo pinakinggan ang huling salita na sinabi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.”
Subalit, sa Executive Order 55 noong Oktubre 1, 1986, opisyal na naitala ang utos ni Aquino para sa decommissioning ng planta sa kadahilanan ng kaligtasan at ekonomiya.
Na-debunk na ng Vera Files noong Oktubre 19, 2020, at ng Rappler noong Hulyo 13, 2019 ang kaparehong mga pahayag tungkol sa pagpapasara ng planta.
Binanggit sa mga fact checks na ito ang ilang justification para sa decommissioning ng planta, nangunguna dito ay ang kaligtasan, lalo na matapos ang Chernobyl disaster.
“In sum, the unique dangers of this site cry out for a thorough, independent, and competent investigation of the multitude of serious and potentially catastrophic problems presented,” sabi sa isinumiteng brief ng American nuclear regulators, ayon sa fact check ng Vera Files.
Labas pa sa usapan na ito ang mga paratang ng korapsyon na pumapaligid sa proyekto.
Noong Hunyo 2021, ang yumaong Marcos crony na si Herminio Disini ay inutusan ng Korte Suprema na magbayad ng humigit-kumulang P1-bilyon sa gobyerno para sa pagbubulsa ng mga komisyon na may kinalaman sa power plant deal. –Translated by Mariel Natanawan
PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph
PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).
FACT-CHECK: Embattled ‘Son of God’ Apollo Quiboloy not dead
A series of TikTok videos falsely claimed that pastor Apollo Quiboloy died after resisting police arrest.
FACT-CHECK: Journalists have a code of ethics
An X user made the false claim that journalists do not have a professional code of ethics.
FACT-CHECK: Tycoon Lance Gokongwei did not say he could turn thousands into millions ‘instantly’
CLAIM: Lance Gokongwei told Anthony Taberna he could turn P15,000 to a million by investing in a cryptocurrency. RATING: FALSE A series of Facebook ads claimed that businessman Lance Gokongwei had revealed in an interview a way to turn an individual’s P15,000 to...