CLAIM: Ihinirang na pinakadelikadong bansa sa buong mundo ang Pilipinas dahil sa mga problema sa pulisya, pagtigil sa giyera kontra droga, at malawakang korapsyon. 
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Maling iniugnay ng isang TikTok video noong ika-20 ng Oktubre ang pangunguna ng Pilipinas sa 2024 worldwide risk index sa mga isyu ng kapulisan, sa diumano’y pagtigil ng giyera kontra droga, at malawakang korapsiyon. 

Ginamit ng video ang isang ulat mula sa DWIZ News noong ika-13 ng Setyembre kung saan ibinalitang nanguna ang Pilipinas sa 2024 World Risk Report. Kasama pa rito ang mapanuyang pagbati kay Pangulong “Marcos Bangag” at pagtawag sa kanya upang magbitiw sa puwesto.

Hindi wasto ang pag-uugnay ng ranking ng Pilipinas sa mga isyung pampulitika dahil ang konteksto ng pagiging “world’s riskiest country” ay tungkol sa kalamidad at hindi krimen.

Ang Pilipinas ay tinuturing na pinakadelikadong bansa pagdating sa mga kalamidad ngayong 2024, hindi dahil sa krimen o korapsyon. Sa ikatlong sunod na taon, nanguna ang bansa sa nasabing ranking.

Ang 2024 World Risk Report ay inilabas ng Bündnis Entwicklung Hilft at Institute for International Law of Peace and Armed Conflict noong Setyembre. 

Sa 74-pahinang ulat, nakakuha ang Pilipinas ng score na 46.91, ang pinakamataas sa 193 bansa sa risk index. Ang score na ito ay tinutukoy batay sa exposure ng bansa sa mga kalamidad tulad ng lindol, bagyo, at tagtuyot, kasama ang vulnerability score na sumusukat sa susceptibility at kakayahan ng bansang makayanan ang mga panganib na ito.

Sa ika-20 segundo ng video, nilinaw ng reporter na ang ranking ay tumutukoy sa panganib ng kalamidad. “Pinag-aralan ang 193 bansa batay sa exposure nito sa mga kalamidad at vulnerability sa mga matitinding natural disaster.”

Walang anumang bahagi ng orihinal na ulat ng DWIZ News na nag-uugnay sa disaster risk ranking sa mga isyu sa pamahalaan. Logan Zapanta


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});