factcheck@pressone.ph
  • Home
  • About
  • The Editorial Team
PressOnePH
  • Fact-Check
  • Special Reports
  • Top Stories
  • Opinion
  • West PH Sea
  • Media
Select Page

FACT-CHECK: Pekeng pahayag ng mga celebrity kaugnay ng halalan sa 2028, pinapakalat online

Mar 19, 2026 | Translated Fact Check

CLAIM: Mga viral quote cards na nagpapakita ng mga personalidad na sumusuporta o tumututol sa ilang mga kandidato sa halalan sa 2028.

 

RATING: HINDI TOTOO

 

Ilang Facebook pages ang gumagamit ng mga larawan ng mga kilalang personalidad at iniuugnay ang mga ito sa mga gawa-gawang pahayag upang maling maipakita ang kanilang political stance sa nalalapit na halalan sa 2028.

Red Flag: Daan-daang mapanlinlang na mga Facebook posts ang gumagamit ng mukha ng mga sikat na tao, mamamahayag, at pulitika upang ikalat ang mga pekeng pampulitikang suporta at kontrobersiya at makakuha ng interaksyon online.

  • Ang mga larawan ng mga personalidad na ginamit sa mga pekeng cards ay kinuha mula sa kanilang opisyal na mga social media account o mula sa mga screenshot ng mga live na kaganapan o media appearances.
  • Dahil sa paggamit ng mga pekeng quote card na ito laban o pabor sa iba’t ibang panig ng politika, mas lalong nagiging mahirap tukuyin kung sino ba talaga ang nasa likod at kung ano ang tunay na motibo ng paninirang ito.
  • Sinasamantala ng mga post na ito ang mga sensitibong isyung panlipunan sa pamamagitan ng pagkakabit ng mga gawa-gawang kuwento tungkol sa kahirapan, korapsyon, o karahasan sa mga kilalang personalidad para makuha ang galit o reaksyon ng mga partikular na sektor.

Zoom out: Natukoy ng PressOne.PH ang hindi bababa sa tatlong Facebook page na nasa likod ng sabayang pagpapakalat ng mga pekeng quote cards na ito.

  • Ang mga pages na ito ay nag-upload ng higit sa 10 cards bawat araw mula noong Disyembre 2025. 
  • Dalawa sa mga pahinang ito ay ang Ganap PH at PH LIFE na magkatulad ang mga profile photo, cover photo, at structure ng pangalan.
  • Sa kabuuan, ang mga pahinang ito ay nakakuha ng higit sa 300,000 followers sa Facebook.

Mga resibo: Walang mga opisyal na records, interviews, o public statement na nagpapatunay na ang mga pahayag na iniuugnay sa mga personalidad sa mga larawang ito ay totoo.

  • Madalas na tumutugma ang mga quote card na ito sa mga dating pahayag o paninindigan ng mga personalidad, kaya nagmumukha itong totoo at madaling mapaniwala ang mga karaniwang mambabasa.

Rewind: Ang biglaang pagdami ng mga maling impormasyon sa politika ay sumusunod sa isang nakasanayang pattern ng ‘digital noise’ na lalong tumindi matapos ang maagang pag-anunsyo ni Bise Presidente Sara Duterte ng kanyang pagtakbo sa 2028 presidential race.

Bakit ito may fact-check: Nililito ng mga posts na ito ang publiko tungkol sa tunay na opinyon sa politika ng mga sikat na personalidad, dahilan para bumuo ng mga maling naratibo na maaaring magmanipula sa desisyon ng mga botante bago ang halalan sa 2028.

  • Sinasamantala ng mga posts na ito ang news cycle disinformation sa pamamagitan ng paggaya sa hitsura ng mga quote card na madalas ginagamit ng mga tunay na news organization, na nagpapadali sa pagkalat ng maling naratibo at pagkalito ng publiko.

Bantay-fake: Ang mga lehitimong pag-endorso ng mga kilalang personalidad sa mga politiko ay karaniwang nakakakuha ng malawak na coverage mula sa mga mapagkakatiwalaang news outlet.

  • Asahan ang pagdami ng maling impormasyon sa politika habang papalapit ang halalan sa 2028.
  • Laging i-verify ang mga kontrobersyal na pahayag gamit ang opisyal na mga social media account ng mga personalidad o mga ulat mula sa mga mapagkakatiwalaang news outlets.  Arianne Tadina


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT-CHECK: Viral video of ‘Zaldy Co’ spotted swimming at the beach is AI-generated

FACT-CHECK: Viral video of ‘Zaldy Co’ spotted swimming at the beach is AI-generated

An AI-manipulated video uploaded on YouTube falsely claims to document a sighting of former congressman Zaldy Co, who is in hiding.

read more
FACT-CHECK: First couple did not disrespect national anthem during South Korean president’s palace visit

FACT-CHECK: First couple did not disrespect national anthem during South Korean president’s palace visit

A Facebook post falsely claimed that President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and first lady Liza Araneta-Marcos did not place their right hands over their chests during the singing of the Philippine national anthem, in contrast supposedly to the South Korean first couple, who showed respect.

read more
FACT-CHECK: AI-generated image of OFWs lining up for free calls surfaces online

FACT-CHECK: AI-generated image of OFWs lining up for free calls surfaces online

An AI-generated image of OFWs supposedly lining up for the “OFW Libreng Tawag” program in Dubai surfaced online on March 13.

read more

Share this:

  • Facebook
  • X

IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network.


LATEST STORIES

  • ICC shuts comments box on Facebook page amid sustained harassment from pro-Duterte accounts
  • A History of Violence
  • FACT-CHECK: Viral video ni ‘Zaldy Co’ na naliligo sa dagat, AI-generated
  • FACT-CHECK: Viral video of ‘Zaldy Co’ spotted swimming at the beach is AI-generated
  • FACT-CHECK: Hindi binastos ng mag-asawang Marcos ang pambansang awit ng Pilipinas


Follow PressOnePH on Instagram


Cross and Crown Shop



Cross and Crown Shop

2019. PressOne.PH | Powered by Areopagus Communications Inc.

Fact-checking Policy      Ethics Policy     Corrections Policy     Ownership and Funding