CLAIM: Alice Guo at Apollo Quiboloy magkasama sa isang larawan na nakasuot ng space suit.
RATING: ALTERED
Kumakalat sa Facebook at X (dating Twitter) ang manipuladong picture ng na-dismiss na alkalde ng Bamban na si Alice Guo at ng puganteng pastor na si Apollo Quiboloy, na naka space suit.
Lumabas ang mga larawang ito kasabay ng kasagsagan ng paghahanap kay Guo at Quiboloy, na kapwa may kinakaharap na kaso sa bansa.
Tinukoy ni Meta ang mga larawan bilang “AI info,” na nangangahulugang ang mga ito ay likhang AI o artificial intelligence.
Sa kasalukuyan, muli nang nasa kustodiya ng pamahalaan si Guo, na lumabas ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapalipat-lipat ng sinasakyang barko, matapos nitong maaresto ng mga awtoridad sa Indonesia.
Kinumpirma ng mga senador na sina Risa Hontiveros at Win Gatchalian ang ukol sa pagkakaaresto kay Guo sa pamamagitan ng isang Facebook post.
Noong Agosto 24, nagpadala naman ang Philippine National Police ng 2,000 na tauhan para hainan ng warrant of arrest si Quiboloy at ang iba pang mga kapwa nito akusado sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City.
Inanunsyo naman ni Interior Secretary Benhur Abalos sa Facebook post noong Setyembre 8 na nasa kustodiya na si Quiboloy. Leigh San Diego (Translated by: Mery-anne Alejandre)
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: AFP did not mobilize troops in Manila to ‘protect’ Sara Duterte
A Facebook reel falsely claimed that Davao City-based military troops loyal to Vice President Sara Duterte were mobilized and sent to Manila to protect her.
FACT-CHECK: US Navy did not sink a Chinese ship in combat
A video on TikTok misleadingly claimed that the United States Navy had sunk a Chinese ship in battle.