
CLAIM: Iniendorso ng PDP-Laban ang 12 kandidato sa senado, kabilang ang mga mula sa oposisyon.
RATING: HINDI TOTOO
Isang Facebook user ang nag-post ng pekeng listahan ng mga kandidato na diumano’y inendorso daw ng PDP-Laban sa halalan sa Mayo 12.
Ipinakita lamang sa post ang numero ng mga kandidato sa balota at walang nakalagay na anumang pangalan rito.
Ang pekeng listahan ay naglalaman din ng mga larawan ni dating pangulong Rodrigo Duterte, Bise Presidente Sara Duterte, Sen. Robin Padilla, at ng logo ng PDP-Laban upang maling ipakita na totoo ang listahan.
Ngunit, ang kasama sa pekeng listahan ng mga kandidato ay mga kilalang kritiko ng Duterte party gaya nina Bam Aquino, Ronnel Arambulo, Arlene Brosas, Teddy Casiño, France Castro, Leody De Guzman, Luke Espiritu, Sonny Matula, Liza Maza, Heidi Mendoza, Kiko Pangilinan, at Danilo Ramos.
Taliwas sa pekeng listahan, noong Abril 12, sampu lamang na kandidato na inendorso ng PDP-Laban sa pagka-senador, at tinawag pa nila ang mga ito na “DuterTEN.”
Noong Mayo 10, opisyal na tinanggap ng PDP-Laban sina Imee Marcos at Camille Villar bilang bahagi ng kanilang senatorial slate matapos ipahayag ng bise presidente ang kanyang suporta kina Marcos at Villar.
Sa ngayon, nakakuha na ang post ng 4,500 na shares sa Facebook. Leigh San Diego
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT-CHECK: AI-generated video of tycoon promoting ‘online investment’ spreads
A fake online advertisement featuring business tycoon Lance Gokongwei, supposedly promoting an online investment through an unnamed app, is actually content manipulated through artificial intelligence.

FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers
A TikTok post claiming a drop in rice prices under President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. failed to provide context about the rice being sold at P20 per kilo, which is only available through the Department of Agriculture’s Kadiwa ng Pangulo (KNP) marketing initiative, and in selected KNP centers.