CLAIM: Nag-resign si Pope Francis sa kanyang posisyon at papalit bilang bagong pope si Luis Antonio Cardinal Tagle. 
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Maling inisyu ng isang YouTube video na nagbitiw na raw si Pope Francis sa kanyang posisyon bilang Santo Papa at sinabing si Luis Antonio Cardinal Tagle ang papalit sa kanya.

Gumamit ang video ng isang pekeng news interview na binigyang-diin ang mga tanong tungkol sa posisyon ni Cardinal Tagle sa Vatican.

Ang orihinal na panayam na ginamit sa video ay ipinalabas noong Dec. 10 2019, kung saan itinalaga ni Pope Franicis si Cardinal Tagle bilang head ng Sacred Congregation para sa Evangelization of the Peoples.

Ayun sa official website ng Vatican na para kay Pope, nagbigay ng talumpati si Pope noong Jan. 17 sa komunidad ng Seminary of Córdoba, Spain, at kailan lang ay naging bahagi siya ng iba’t ibang mga pangyayari simula pa lang ng taon.

Ang College of Cardinals ang naghahalal ng bagong Papa sa pamamagitan ng conclave, kung saan bumoboto sila sa secret ballots, patunay na mali ang claim. 

Ang mga patakaran ng papal conclave ay tinukoy sa papal bull na Universi Dominici Gregis na inilathala ni Pope John Paul II noong 1996 at binago ni Pope Benedict XVI noong 2013.

Ngayon, nakakuha na ang video ng 83,108 views at 2,500 likes sa YouTube. Leigh San Diego (Translated by: Kenneth Fernando)


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});