CLAIM: Tuluyan nang umalis sa West Philippine Sea ang mga militar ng Tsina.
RATING: HINDI TOTOO
Nag-post ang isang Facebook user ng video ng speed boat na may sakay na mga tao dala ang watawat ng Tsina, maling ipinalalabas na tuluyan nang umalis sa West Philippine Sea ang mga militar ng Tsina.
Ang Facebook reel na ito ay mayroon ding caption na “natakot din [si]la” na nagbibigay impresyon na totoo ang naturang video.
Hindi mahanap ang orihinal na user na nag-upload ng video na ginamit sa reel.
Gayunpaman, ang mga ulat mula sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG) ang nagpapatunay na patuloy ang aktibidad ng mga Chinese sa West Philippine Sea.
Noong Aug. 20, sinabi ni Alexander Lopez, tagapagsalita ng National Maritime Council, na pinalibutan at nasira ng mga barko ng Chinese coast guard ang dalawang barko ng PCG sa Escoda Shoal.
Habang noong Aug. 31 naman ay muling pinalibutan ng mga barko ng Chinese coast guard at kanilang pwersang pandagat ang BRP Teresa Magbanua malapit din sa Escoda Shoal.
Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa West Philippine Sea, na noong napansin ng pwersa ng mga Chinese ang galaw ng mga barko ng PCG, agad daw na dumating ang mga dagdag na barko ng Chinese coast guard para pumalibot sa ating barko.
Ayon sa latest report ng Philippine Navy, 207 na hukbong pandagat ng Tsina ang kanilang namataan sa West Philippine Sea mula noong Sept. 3 hanggang 9, ito na ang pinakamataas na kanilang naitala ngayong taon.
Sa ngayon, ang video ay mayroon nang 195,000 na views sa Facebook. Leigh San Diego
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Photo of a rallyist calling to ‘increase Piattos’ content, altered
An altered photo has circulated social media, particularly Facebook, portraying a rallyist holding a placard urging the government to lobby for “increasing Piattos’ contents.”
FACT-CHECK: Duterte party uses old survey data to tout support for drug war
Posts on X (formerly Twitter) have misleadingly claimed that the Panguil Bay Bridge Project is a big-ticket item under ex-President Rodrigo Duterte’s “Build Build Build” infrastructure program.
FACT-CHECK: Panguil Bay Bridge Project started during the Aquino II administration
Posts on X (formerly Twitter) have misleadingly claimed that the Panguil Bay Bridge Project is a big-ticket item under ex-President Rodrigo Duterte’s “Build Build Build” infrastructure program.