CLAIM: Ang repatriated OFW na naging viral matapos makipagkita kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay namataan din umanong kasama ng Gabriela Women’s Party sa isang kilos-protesta noong Women’s Day.
RATING: HINDI TOTOO
Isang AI-manipulated na larawan ang maling nagpakita na ang repatriated overseas Filipino worker (OFW) na nakasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay sumali sa isang kilos-protesta kasama ang mga miyembro ng Gabriela partylist.
Red flag: Maraming social media accounts ang nag-share ng edited na larawan at pilit nilang ipinalalabas na ebidensya ito na nagpanggap lang ang babae bilang OFW at kinuha lamang siya ng gobyerno bilang bahagi ng isang “publicity stunt.”
- Tampok sa collage ang litrato ng OFW kasama si Marcos Jr. noong March 23, isang screenshot ng interview sa TikTok ng isang babaeng kamukha niya, at isang larawan mula sa protesta kung saan sinadyang ilagay ang mukha ng nasabing OFW.
- Unang in-upload ni Facebook user Trams Elibom ang larawan noong March 31 na may caption na: “Nagpangap na kasama sa napauw OFW paiyak iyak pa.”
- Sinundan ito ng mga accounts nina Harry Reyes at WinstHonie Palomaria, kasama ang mga caption na nagsasabing, “kunwari iyaking ofw ka pa ah, tulisang NPA ka pala😂” at “Lahat nalang pinepeke! Ganyan sila kabulok🤮.”
- Pati ang kilalang pro-Duterte influencer na si Jack Argota, na may kinakaharap na kasong cyber libel matapos magpakalat ng maling impormasyon tungkol sa kalusugan ng pangulo, ay nagpakalat din ng parehas na larawan at umani ng mahigit 21,000 reactions at mahigit na isang libong shares.
- Sa TikTok, ipinost ito ng account na “RESIBO ng BAYAN” na may headline na nagsasabing: “KAISA-ISANG OFW NA LUMAPIT AT UMIYAK PA KAY BBM SA NAIA PAKAWALA NG ADMINISTRASYON!”
Mga resibo: Sinuri ng PressOne.PH ang larawan gamit ang iba’t ibang tool para sa image manipulation. Kinumpirma ng SynthID Scanner ng Gemini na ginamit ang Google AI para baguhin ang litrato.
- Mapapansin ang ilang mga visual inconsistency: masyadong malinaw o sharp ang logo ng “Bagong Pilipinas” sa puting damit ng OFW kumpara sa malabong mga bahagi ng litrato, habang ang ang mga kamay at daliri ni Rep. Sarah Elago sa background ay mukhang abnormal o tabingi.
- Base sa pagsusuri ng Fake Image Detector, hindi pantay ang kalidad ng pixels sa paligid ng OFW, na nagpapahiwatig na idinikit lang ang kanyang imahe at sadyang binago ang kanyang damit. Nakita rin sa EXIF data na dumaan ang larawan sa isang editing software.
- Ayon sa ZeroGPT, 47% posible na ang larawan ay gawa sa AI.
- Ang orihinal na litrato ay kinuha mula sa Instagram post ng Gabriela noong March 8.
Rewind: Kasalukuyang binabatikos ang administrasyong Marcos dahil sa anila’y mabagal na pagtugon sa krisis sa Middle East, kabilang na ang reptriation ng mga apektadong OFW, pati na rin ang pagkontrol ng tumataas na presyo ng langis.
- Nauna nang napabulaanan ng PressOne.PH ang isang pekeng litrato kung saan inatake umano ng isang OFW ang Pangulo dahil sa korapsyon.
Bakit ito may fact-check: Paulit-ulit na ipinost ang graphic na ito ng mga kilalang pro-Duterte accounts sa internet.
- Ang pinakaunang post ng manipuladong larawan ay umani na ng 455 likes, 175 comments, at 251 shares sa oras ng pagkakasulat.
- Bagama’t tinanggal na ang ilan sa mga post na ito, patuloy pa ring kumakalat at lalong lumalaganap ang imahe sa iba pang social media platforms tulad ng TikTok at X.
- Maging si Rob Rances, isang kilalang Duterte supporter na may maraming followers sa Facebook, ay muling nag-upload ng screenshot na nakakuha na ng 16,800 likes, 2,400 comments, at 4,600 shares sa kasalukuyang pagkakasulat.
Bantay-fake: Para masuri kung ang isang larawan ay gawa ng AI o sadyang inedit, tingnang maigi kung may mga detalyeng hindi nagtutugma o mukhang kakaiba.
- Maraming AI detection tools ang available sa internet, ngunit huwag basta magtiwala sa isa lang at mainam na laging i-crosscheck gamit ang iba pang tools.
- Pahirap din nang pahirap ang pag-track kung paano kumakalat ang mga maling impormasyon sa social media. Kahit pa kasi mabura ang isang pekeng post, maaari itong i-save at muling i-upload sa iba’t ibang mga page o platform kaya kailangan nating maging matalino sa pagkuha ng impormasyon online. Savannah Lantay
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: NBI Director Melvin Matibag did not resign
A YouTube video posted falsely claimed that National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag had resigned from his post.
FACT-CHECK: Former senator Trillanes did not volunteer to be acting president
A Facebook post falsely claimed that former senator Antonio Trillanes IV had volunteered to serve as acting president in place of Vice President Sara Duterte if a successor to President Ferdinand Marcos Jr. is needed.
FACT-CHECK: Video of a pro-Sara Duterte rally is AI-generated
An AI-generated video falsely claimed that a rally attended by 32 million people was held on May 12 in Davao City in support of Vice President Sara Duterte.




