CLAIM: Hindi kinamayan ni VP Sara Duterte si Sen. Bong Go.
RATING: HINDI TOTOO
Isang pekeng video na nagpapakita na iniiwasan ni vice president Sara Duterte na makipagkamay kay Sen. Bong Go ay kumakalat ngayon sa Facebook.
Ang naturang video ay kuha noong May 8, sa isang miting de avance ng PDP-Laban sa Liwasang Bonifacio, Maynila, kung saan si Sara Duterte, bilang kapalit ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay nag-endorso ng sampung kandidato sa pagkasenador, na kilala bilang DuterTEN.
Maraming netizen ang nag-react at nagkomento, “Kawawa naman si Bong Go.”
Nahanap din ng PressOne.PH ang isa pang Facebook vlogger na nagngangalang “Tito James,” na gumawa ng isang cropped video nina Duterte at Go na nagkakamayan habang idinagdag ang sarili gamit ang green screen upang insultuhin ang senador, at bumulong ng, “Kung ako sa’yo, bawian ko ‘yan sa impeachment, tapos lilipat ako ng partido,” na tumutukoy sa isinasagawang impeachment trial laban sa Pangalawang Pangulo.
Ngunit, kung papanoorin ang buong video ng naturang miting de avance, malinaw na makikita na si Duterte ang unang nag-abot ng kamay upang makipagkamay kay Go, na sumasalungat sa maling pahayag ng manipuladong video.
Isa pang video mula sa isang Facebook vlogger na si “Katotong Ofw Anaboy Kamsa,” ang nagpapakita rin na nagkamayan nga sina Duterte at Go.
Sa proclamation ceremony noong May 17, si Go, na gumawa ng kasaysayan bilang unang senador sa Pilipinas na nakakuha ng mahigit 27 milyong boto, ay taos pusong nagpasalamat sa pamilyang Duterte dahil sa kanilang suporta sa kanyang karera.
Noong ika-25 ng Mayo, nag-post si Senador Go ng larawan nila ng bise presidente sa kanyang Instagram account, na mayroong caption na nagsasaad ng pagkilala sa suporta nito sa DuterTEN.
“Walang hanggan ang pasasalamat ko sa pamilyang Duterte at saludo ako kay VP Inday Sara na tumayong lider namin sa panahong nangungulila ang sambayanang Pilipino,” wika ni Go.
Sa kasalukuyan, ang bidyo ay mayroon nang 14,600 reactions, 1,500 comments, 3,500 shares, at isang milyong views. Jamaica Cabilis
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Video falsely claims Dizon sacked from DPWH post
A Youtube video uploaded by the channel “Ako si Kabibig” falsely claimed that Public Works Secretary Vince Dizon had been removed from his post.
FACT-CHECK: Executive Secretary Ralph Recto not in prison
A YouTube video falsely claimed that Executive Secretary Ralph Recto was sent to prison following a Supreme Court ruling.
FACT-CHECK: Ombudsman did not send Sen. Joel Villanueva to jail
A Jan. 7 YouTube video falsely claimed that Sen. Joel Villanueva was sent to prison following a guilty conviction by the Ombudsman.




