CLAIM: Mga pahayag tungkol sa lockdown at suspensyon ng klase dahil sa mga bagyo, lindol at influenza outbreak. 
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Nagpo-post ng mga pekeng anunsyo ang Facebook page na “DSWD Television” tungkol sa mga update ukol sa paghahanda para sa malaking lindol, pag suspinde ng klase dahil sa umano’y flu outbreak at mga bagyo tulad ng “Quedan,” “Ramil,” at ang gawa-gawa lamang na bagyong “Rome.”

Red Flag: Nagkakalat ng pekeng impormasyon tungkol sa mga lockdown at suspensyon ng klase ang Facebook page na ito gamit ang mga AI-generated na mga video at reels. 

  • Isa sa mga video nito ang nagpalabas ng maling pahayag na apat na bagyo raw ang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa kasagsagan ng tropical storm na si “Ramil.” 
  • Mayroon ding isang Facebook post na nagpapakalat ng maling balita na walang klase mula Oct. 20 hanggang Oct. 25 para raw makapaghanda ang publiko sa paparating na magnitude 10 na lindol. 
  • Ang lahat ng videos at reels ng Facebook page na ito ay gawa gamit ang AI, kasama na ang paggamit ng mga AI-generated na mga newscaster at anchor, para lang magpakalat ng mga nakalilinlang na impormasyon.
  • Ang bawat post ay may kasamang mga link na ginagamit para sa phishing scam.

Mga Resibo: Walang inanunsyo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) tungkol sa pagpapatupad ng lockdown at pag suspinde ng klase.

  • Ang DSWD ay walang kapangyarihan o mandato na magdeklara ng suspensyon ng klase sa mga paaralan. Tanging ang mga Local Government Unit (LGU) at ang Department of Education (DepEd) lamang ang may legal na awtoridad para gawin ito. Nakasaad ang mga patakarang ito sa mga sumusunod na legal na dokumento: Executive Order No. 66, s. 2012, DepEd Order No. 37, s. 2022 at CHED Memorandum Order No. 15, s. 2012.
  • Ayon sa United States Geological Survey (USGS), hindi posibleng mangyari ang lindol na may magnitude 10 o mas mataas pa.
  • Sa isang Facebook reel, ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) na ang pagdami ng kaso ng sakit na influenza-like illness ay dahil lamang sa flu season. Ipinahayag nilang walang influenza outbreak na kasalukuyang nangyayari sa Pilipinas.
  • Ang Facebook page na “DSWD Television” ay kagagawa lamang noong Sept. 3. Bukod pa rito, nagbayad pa ang page sa Meta para ma-authenticate ito, na isang paraan para mapatibay ang kanilang mga pahayag na sila ay isang mapagkakatiwalaang news source.

Rewind: Ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Phivolcs, Pagasa, at DOH ang nagbibigay ng regular na mga balita at update tungkol sa mga lindol, pagsabog ng bulkan, lagay ng panahon, at mga isyu sa kalusugan ng publiko.

  • Noong Sept. 30, tumama ang isang lindol na may magnitude 6.9 sa Bogo City, Cebu, kung saan hindi bababa sa 79 katao ang nasawi.
  • Noong Oct. 10, tumama ang isang lindol na may magnitude 7.4 sa Davao Oriental Offshore.
  • Noong Oct. 19, dumaan sa Manila Bay ang Tropical Storm na si “Ramil,” at itinaas ang Signal No. 2 sa buong Metro Manila.
  • Noong Oct. 20, kinumpirma ng isang Facebook post mula sa DOH na walang influenza outbreak na nangyayari.
  • Noong Oct. 21, maraming Local Government Unit (LGU) ang nag-anunsyo ng suspensyon ng klase dahil sa banta ng Tropical Storm “Ramil” at sa pagdami ng kaso ng Influenza-like illness.

Bakit ito may fact-check: Ang Facebook page na “DSWD Television” ay nagpapakalat ng mga huwad na impormasyon tungkol sa mga isyung may kinalaman sa publiko.

  • Ang isa sa mga video nila tungkol sa pag suspinde ng klase ay mayroon nang mahigit 3,700,000 views, 69,000 reactions at 21,000 shares.
  • Sa pagsusulat, umabot na sa 987,000 ang followers sa Facebook page nito.

Bantay-fake: Para makakuha ng mga tamang impormasyon, ugaliing sumubaybay sa mga credible news sources. 

  • Palaging suriin at tiyakin ang pinagmulan ng inyong impormasyon bago maniwala.
  • Ang mga balita tungkol sa suspensyon ng klase at update sa panahon ay dapat na makuha lamang mula sa mga awtorisadong opisyal at ahensya. 
  • Ang pagkakaroon ng verified badge ng isang Facebook page ay hindi nangangahulugang ito agad ay mapagkakatiwalaang pinagmulan ng impormasyon. Francis Mediavillo

 


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy