Mali ang sinabi ng isang Tiktok na mamabang klase ng ng materyales ang ginamit ni bise presidente Leni Robredo sa kanyang mga proyektong pabahay

CLAIM: Mababang klase ng materyales ang ginamit sa proyektong pabahay ni bise presidente Leni Robredo

RATING: HINDI TOTOO



Isang Tiktok video ang kumakalat sa Facebook na nagsasabing gumamit ng mababang klase ng materyales ang proyektong pabahay ni bise presidente Leni Robredo

Inulit ng nasabing video ang lumang meme na “Expectation vs Reality” meme para akusahan na substandard diumano ang ginamit na materyales sa mga bahay na ipinamahagi ng proyektong pabahay ni bise presidente Leni Robredo.

Ayon sa nag post  “noong ibinida ito ng mainstream media, ay sobrang mapapa-bilib ka. Kasi nga ‘yung design ng bahay na ‘to ay talagang pang malakasan kumbaga, mapapa-wow ka,” habang pinapakita ang litrato ng disenyo ng bahay.

Sinabi din ng nag post na ang layo ng hitsura ng nakita nila sa disenyo ng bahay kumpara sa aktwal na pabahay sabay pakita ng litrato diumano ng pabahay na may mababang kalidad ng materyales. 

“Kasi ang naging resulta sa pabahay ni Leni Robredo ay mukhang mula sa Lazada. ‘Yung tipong tinignan mo sa computer, chineck mo sa computer, sa cellphone mo, chineck mo, ang ganda ng sapatos, and ganda ng damit. Pero pagdating sa’yo, eh bulok pala,” sabi ng nag post.

Pero ang naturang post ay matagal nang napatunayang mali ng Facebook page ng bise presidente noon pang Disyembre 2020.  Ani Robredo, ang mga pabahay na pinapakitang mababang uri ng klase ay “mockup” lamang at hindi ito ang aktwal na pinapamahagi.

“The house shown in the picture is just a mockup so that our partner beneficiaries will have visuals of the actual size of the house. Please see [the] first picture dubbed as ‘REALITY,’” VP Leni wrote in her post.

Nakasama rin sa post ang mga larawan ng aktwal na housing units.

Sa isang artikulo ng ABS-CBN News noong, ipinakita ang video interview kay Robredo, kasama ang mga litrato at iba pang video documentation ng proyektong pabahay ng bise presidente, mula groundbreaking hanggang sa pagpapatayo ng mga bahay.  Sa parehong artikulo, hinimok ni Robredo ang kanyang mga kritiko ng kanyang proyekto na tumulong na lamang kaysa magkalat ng maling impormasyon tungkol sa proyektong pabahay.

“Instead of trolling, baka gusto nilang tumulong na lang silang mag-build. Sweat equity lang, yung gastos ng materyales sa amin,” sabi ni Robredo.

Sa isang hearing ukol sa disinformation sa Senado, sinabi ni University of the Philippines Journalism professor Yvonne Chua na si Robredo ang pinakamalaking biktima ng dinformation o “negative messaging (orihinal na artikulo ay isinulat ni Bianca Marie Austero sa Inggles at isinalin sa Filipino ni Rommel F. Lopez)

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

An X user makes the false claim that the United States has five military bases in the Philippines.CLAIM:  The United States has five military bases in the Philippines. RATING: FALSE   An X user made the false claim that the United States has five military bases...

read more