Muling inuungkat ng mga taga suporta ni Sen. Imee Marcos ang maling impormasyon na sinabi umano ni P3PWD Party-list Rep. Rowena Guanzon na nagtapos sa kursong abugasya ang senadora sa University of the Philippines sa Diliman, Lungsod Quezon.

CLAIM: Sinabi raw ni P3PWD Party-list Rep. Rowena Guanzon na dati niyang kaklase at graduate si Sen. Imee Marcos sa UP College of Law

RATING:  HINDI TOTOO


 

Kamakailan lamang, nailathala ng PressOne.PH ang isang fact-check video sa TikTok channel nito ukol sa maling impormasyon na kumakalat na si Sen. Imee Marcos umano ay nagtapos ng kursong abugasya sa University of the Philippines sa Diliman, Lungsod Quezon.

Hindi nagtagal, ilang netizen ang nagkomento sa nasabing Tiktok channel at inakusahan ang PressOne.PH na ito ay nagkamali sa pag fact-check dahil si mismong P3PWD Party-list Rep. Rowena Guanzon umano ang nagsabing siya at si Sen. Marcos ay magka-klase sa UP College fo Law.  Ang ilan pa ang nagsabing si Guanzon mismo ang nagsabing ang pinakamatandang anak na babae ng yumaong diktador ay nagtapos ng kursong abugasya sa UP.

Ito ay hindi totoo.

Sa isang artikulo ng GMA News website na nailathala noong Enero 2022, sinabi na Guanzon na siya at ang senadora ay magkatabi ng upuan sa klase.  Sa post sa kanyang Facebook page noong March 31, inulit ng dating Commission on Elections commissioner na sila ay magka-klase ni Imee Marcos sa UP Law. Pero ni minsan hindi nasabi sa GMA News article o sa post ni Guanzon sa kanyang Facebook page na si Imee ay nagtapos ng kursong abugasya sa UP.

Ang pagkuha ng kurso at maipasa lahat ng mga subjects sa kuro ay hindi nangangahulugang ikaw ay nagtapos at makakatanggap ng degree at diploma ng kursong iyong nakuha.

Ang pamunuan ng UP, sa pamamagitan ng dating executive vice president nito na si Dr. Teodoro Herbosa ang nagsabing, “There is no record of her graduation from UPD (UP Diliman) nor any honors or academic distinction received with the university registrar’s office.”

Ang dating dekano ng UP Law na si Froilan Bacungan ang siya ding nagpatunay na si “Imee Marcos, daughter of dictator Ferdinand Marcos, never graduated from the University of the Philippines College of Law”.

Mismong si Senadora Marcos ay hindi pa nagpapakita ng kopya ng kayang UP law diploma bilang patunay na siya nga at nagtapos at nakatanggap ng kanyang law degree. — Rommel F. Lopez

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.