CLAIM: Isang rallyista ang nagbitbit ng karatulang nanawagang “dagdagan ang laman ng Piattos” sa isang kilos protesta.

 

RATING: SATIRE

 

Isang pekeng larawan ang kumalat sa Facebook kung saan makikita ang isang rallyista na may hawak na plakard na nakasaad ang pagsusulong umano ng “pagtaas ng sahod at pagdagdag sa laman ng Piattos.”

Ang binagong plakard ay may nakasulat na: “Itaas ang sahod ng mga manggagawa at dagdagan ang laman ng Piattos.”

Sa bandang kanang-itaas ng larawan, makikita ang watermark ng Rappler.com, na natatakpan ng pangalan ng isang “Kenneth V,” na posibleng gumawa ng meme.

Bagamat binura na ng Rappler ang orihinal na post nito sa Facebook, nananatili pa rin ang mga larawan sa Instagram page nila.

Ang orihinal na larawan ay kuha sa isang kilos-protesta noong Hulyo 4, 2022, kung saan nanawagan ang sektor ng mga manggagawa kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. na tuparin ang pangako nitong pababain ang presyo ng bigas sa ₱20 kada kilo.

Ang “Piattos” ay isang kilalang brand ng potato chips na kamakailan ay naging paksa ng mga memes matapos ang pagdinig ng House of Representatives’ Committee on Good Government and Public Accountability noong Nobyembre 5.

Sa naturang pagdinig, kinuwestiyon ni Antipolo City Rep. Romeo Acop ang Office of the Vice President kaugnay ng resibong nakapangalan sa isang “Mary Grace Piattos.”

Ayon sa kongresista, tila hindi tunay na pangalan ang “Mary Grace Piattos” dahil nagpapahiwatig ito ng koneksyon sa sikat na chips brand at sa isang kilalang restaurant  na “Mary Grace.”

Sa kasalukuyan, ang post ay may higit 800 reactions — karamihan ay “Haha,” 838 na shares, at apat na komento. Hurt Allauigan


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});