CLAIM: Isang larawan na nagpapakitang tumutulong ang Davao City sa mga nasalanta ng baha dulot ng bagyo.
RATING: HINDI TOTOO
Iba’t ibang mga post sa social media ang gumamit ng lumang larawan mula sa website ng Davao City upang maling ipakita na agad daw na nagpadala ang gobyerno ng Davao ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyong “Carina” at paguulan na dulot ng Habagat sa Luzon.
Sa katotohanan, ang naturang larawan na ginamit ay mula sa relief drive ng Davao para sa mga biktima ng Bagyong “Paeng” sa Cotabato City at Maguindanao noong Nob. 4, 2022.
Nagpadala ang pamunuan ng Davao ng 16 na trak na naglalaman ng 8,000 na kahon ng mga pagkain, gamot, sleeping kits, at hygiene kits.
Sa ngayon, ang account na For the Motherland – Sass Rogando Sasot, isa sa mga muling gumamit ng nasabing lumang larawan, ay nakakuha nang 18,500 na reaksyon at 7,500 na share sa kanilang post.
Ang tweet naman ni The Manila Times columnist Malou Tiquia, na mayroong 56,100 followers sa X, ay nakakuha nang 48,000 na views, 522 na reaksyon, at 115 na repost.
Sa oras ng pagsulat na ito, wala pang anunsyo ang pamunuan ng lungsod ng Davao tungkol sa isang relief drive para sa mga biktima ng Bagyong “Carina.” Raniel Paquingan
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Davao City receives yearly funding from nat’l gov’t
A Facebook post with an AI-generated graphic falsely claimed that Davao City did not receive national funding for four years under President Ferdinand Marcos Jr.






