Pinalobo ng isang quote card na umiikot ngayon sa mga pro-Marcos Facebook page ang pahayag ni Kris Aquino noong 2017.

PAHAYAG: Sinabi daw ni Kris Aquino na utang ng mga Pilipino ang kanilang kalayaan sa kaniyang namayapang ama na si Ninoy Aquino Jr.

MARKA: KULANG SA KONTEKSTO


Ilang mga Facebook page na sumusuporta sa “Uniteam” tandem nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang naglabas ng isang quote card ni Kris Aquino kung saan sinasabihan daw nito ang mga Pilipino na “utang” daw nila ang kanilang kalayaan sa kaniyang namayapang ama na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

“Utang ninyo sa aking ama ang kalayaan na tinatamasa ninyo ngaun (sic),” sabi daw umano ni Kris.

Mababalikan ang naturang pahayag sa isang Instagram post ni Kris noong Nob. 27, 2017 kung saan inalala niya ang kaniyang yumaong ama sa ika-85 na kaarawan sana nito. 

 

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Sa bandang dulo ng kaniyang post, sinulat ni Kris ang sumusunod: “Try as you may, #fakenews folks- you cannot rewrite history. And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY- because he had the balls to actually DIE for his country- in super clear language, HINDI SYA INURUNGAN NG BAYAG KAHIT ALAM NYA NUNG PABABA SYA NG EROPLANO NA BABARILIN NA SYA SA TARMAC ng AIRPORT (italics ours, capitalizations Kris’s).

Sa naturang caption, pinabatid lamang ni Kris na ang pagpatay sa kaniyang ama noong Agosto 21, 1983 ay isa lamang sa mga pangyayari na pumukaw sa mga Pilipino para lumahok sa mga kilos-protesta na siyang nagpatalsik sa dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr. na nakilala sa pagpigil sa karapatan sa malayang pagpapahayag sa kasagsagan ng kaniyang diktaturya.

Pinalobo ng mga pro-Marcos pages ang pahayag ni Kris Aquino para magmukhang sinabi nito na malaya ang mga Pilipino dahil lamang kay Ninoy.

Ayon sa kasaysayan, natamo ng bansa ang independensya mula sa mga banyaga noong Hulyo 4, 1946—habang nasa edad-13 pa lamang si Ninoy—nang kinilala ng Estados Unidos ang kasarinlan ng republika ng Pilipinas.

Noong 1962, inilabas ni dating Pangulo Diosdado Macapagal ang Proclamation No. 28, s. 1962, na nagurong sa araw ng kalayaan ng bansa mula sa ika-4 ng Hulyo papunta sa ika-12 ng Hunyo na siyang petsa ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya ni Emilio Aguinaldo sa kaniyang tirahan sa Kawit, Cavite.

Ani ni Macapagal, ang pagkakatatag ng republika ng Pilipinas sa pamahalaang rebolusyonaryo sa ilalim ni Hen. Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 ang humudyat ng pagdeklara ng mga Pilipino ng kanilang kalayaan.

(“The establishment of the Philippine Republic by the Revolutionary Government under General Emilio Aguinaldo on June 12, 1898, marked our people’s declaration and exercise of their right to self-determination, liberty and independence.”)

Nanatiling malaya ang pamahalaan ng Pilipinas sa halos 75 na taon.

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

An X user makes the false claim that the United States has five military bases in the Philippines.CLAIM:  The United States has five military bases in the Philippines. RATING: FALSE   An X user made the false claim that the United States has five military bases...

read more