Ayon sa Martial Law Museum, nais ni Marcos nakawin ang kapangyarihan para sa sarili habang nalalapit ang pagtatapos ng kaniyang ikalawa at huling termino sa opisina.

RATING: HINDI TOTOO


 

Inulit sa isang video noong Hulyo 31 ng Facebook page na “BBM Sara Tv’s” ang maling pahayag na idineklara daw ni dating diktador Ferdinand Marcos ang batas militar upang pigilan ang lumalagong rebelyon ng mga komunista.

“[I]toy upang mapigilan ang kaguluhan at ang pag dami ng mga makakaliwang grupo,” sabi sa caption ng video.

Gayunpaman, hindi ito ang totoong dahilan.

Ayon sa Martial Law Museum, ninais nakawin ni Marcos ang kapangyarihan para sa kanyang sarili noong papalapit na ang pagtatapos ng kaniyang ikalawa at huling termino sa opisina.

Samantalang ang mga komunista ay wala namang kakayahan upang sakupin ang bansa.

“[I]ndependent reports suggest that at the time, there were only about 1,000 NPA guerrillas, whose arms were old-fashioned. In the NPA’s own history, only 350 men with first-line rifles were documented at the time of Martial Law,” ani ng Martial Law Museum.

Bukod pa dito, ang agarang pagbibigay-katwiran sa batas militar, ang ambush ng convoy ni dating Defense Minister na si Juan Ponce Enrile, ay napagpalagay na peke.

Sa mga memoir na inilathala ni Enrile noong 2012, dineny niya na peke ang naging ambush niya. Subalit, marami na itong naging pahayag kung saan ay umamin siya sa panloloko, lalo na noong 1986 EDSA People Power revolt.

Dagdag pa dito ang patotoo ni businessman Oscar Lopez kung saan sinabi niya na nakita niya ang sasakyan ni Enrile na puno ng tama ng bala ngunit walang nakasakay at wala ring bahid ng dugo.

Ang video ng BBM Sara Tv’s ay nakakuha na nang mahigit na 700 views mula noong napost ito sa Facebook. Translated by Mariel Natanawan

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

An X user makes the false claim that the United States has five military bases in the Philippines.CLAIM:  The United States has five military bases in the Philippines. RATING: FALSE   An X user made the false claim that the United States has five military bases...

read more