Nitong ika-16 ng Abril, naglabas ng pahayag si Martin Andanar, humahaliling tagapagsalita ng pangulo, na wala raw basehan ang ulat ng United States Department of State patungkol sa human rights situation sa Pilipinas.

Reaksyon niya ito sa isang bahagi ng “2021 Country Reports on Human Rights” ng US State Department na tumatalakay sa kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas, na may partikular na nagsabing may mga miyembro ng pamahalaan ang bansa na sangkot sa “significant rights abuses” katulad ng pagpatay, pagkawala, pagpapahirap at pagpigil sa kalayaan sa pagpapahayag.

Sinabi din ni Andanar na ang naturang ulat ay isang “rehash” o paguulit ng mga lumang isyu ng mga masugid na kritiko ng administrasyon Duterte.

Ang naturang mga pahayag ni Andanar ay sumusuporta sa mga nauna nang paratang nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na pawang nagsabi din na walang basehan ang ulat.


PAHAYAG: Walang basehan ang ulat ng Estados Unidos sa sitwasyong ng karapatang pantao sa Plipinas.

HATOL: HINDI TOTOO


ANG KATOTOHANAN:

Ang naturang ulat ng US State Department ay base sa mga public pronouncements ng Commission on Human Rights o CHR at ng Department of Justice o DOJ ng Pilipinas na pawang kumilala sa mga pangaabusong may kinalaman sa pamahalaan.

Matatandaang inirekomenda ni DOJ Secretary Menardo Guevarra ang pagsampa ng kaso laban sa 17 miyembro ng pulisyang sangkot sa tinaguriang “Bloody Sunday” killings noong ika-7 ng Marso 2021 na pumatay sa siyam na na mga aktibista sa Timog Katagalugan. Sa kabilang banda naman ay dati nang kinondena ng yumaong CHR chairman Jose Luis Martin “Chito” Gascon ang administrasyong Duterte patungkol sa mga patayang naganap kaugnay ng giyera nito kontra droga na pumatay na ng nasa 27,000 katao habang papatapos ang taong 2018.

Binanggit din ng naturang US human rights report ang grupong Karapatan bilang isa sa mga pinagkuhaan nito ng datos. Naglabas din ng sariling ulat ang Karapatan patungkol sa parehong isyu kung saan tinawag nila si pangulong Rodrigo Duterte na isang “human rights violator at war criminal.”

BAKIT ITO MAHALAGA:

Ayon sa isang saliksik na nilabas ng University of California Santa Barbara, ang mga kasinungalingan na nilalabas ng mga pamahalaan ay maituturing na pagtatangka upang kitilin ang lehitimong pagtutol ng mga mamamayan, na siya ding nagsusulong ng impunity o ng kawalan ng parusa sa mga miyembro ng may kapangyarihan. Ayon naman sa Amnesty International, ang impunity sa bansa ay nagbigay daan para sa walang habas na patayan at iba pang mga human rights violation.

Philippine News Agency, news outlet ng pamahalaan, ang nagsapubliko ng naturang pahayag ni Andanar na nai-share na ng nasa 1,600 na beses sa Facebook. (Vivian Vera, Altermideya / Pagsasalin ni Nikko Balbedina.)

Basahin ang orihinal na bersyon nito sa Wikang Ingles

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

FACT-CHECK: US has no military bases in the Philippines

An X user makes the false claim that the United States has five military bases in the Philippines.CLAIM:  The United States has five military bases in the Philippines. RATING: FALSE   An X user made the false claim that the United States has five military bases...

read more