CLAIM: Nagpahayag ng suporta ang mga NBA players sa pagtakbo ni Sara Duterte bilang pangulo sa 2028 elections.
RATING: SATIRE
Nakakuha ng malawak na atensyon online ang isang satirical post sa Facebook na maling nagsasabing sinusuportahan umano ng mga manlalaro ng NBA ang pagtakbo ni Sara Duterte sa pagkapangulo sa 2028, pinupuri at pinapalakpakan pa ng ilang netizen sa comment section ang mga atleta dahil sa kanilang diumano’y paninindigan.
Red Flag: Tampok sa Facebook post ng isang verified account na Box Score PH ang larawan na may caption “NBA players show support to Sara Duterte,” ito ay matapos inanunsyo ng bise presidente ang layon niyang kumandidato bilang presidente sa 2028.
- Makikita sa larawan ang collage ng mga basketball superstar na sina LeBron James, Anthony Davis, Quinn Cook, Giannis Antetokounmpo, at Stephen Curry na nakatutok ang kanilang mga kamao sa kamera para ipakita ang kanilang mga championship rings.
- Makikita naman sa gitna ng larawan ang isang screengrab na larawan ni Duterte noong inanunsyo niya ang kanyang planong pagtakbo bilang pangulo.
- Ang pose ng mga atleta ay katulad ng fist-bump gesture na kilalang-kilala bilang tatak ng mga Duterte.
Mga Resibo: Ang sabihin na tinaas ng mga NBA players ang kanilang mga kamao bilang suporta kay Duterte ay hindi lamang mali, ito ay nakakatawa rin.
- Ang larawan nina LeBron James, Anthony Davis, at Quinn Cook ay kinuha noong Dec. 22, 2020 kung saan natanggap ng tatlo ang kanilang 2020 NBA championship rings bago ang kanilang laro laban ang Los Angeles Clippers.
- Ang larawan ni Giannis Antetokounmpo naman ay kinuha noong Oct. 19, 2021 noong natanggap niya ang kanyang unang NBA championship ring bago sumabak ang kanyang team na Milwaukee Bucks laban sa Brooklyn Nets.
- Kinuha mula sa isang Oct. 16, 2018 Instagram post ang larawan ni Stephen Curry kung saan pinakita niya ang kanyang pangatlong NBA championship ring.
- Wala sa mga atleta na tampok sa Facebook post ang naglabas ng anumang pahayag na nagbibigay suporta sa pamilya ng mga Duterte o kaya komento tungkol sa pulitika ng Pilipinas.
Rewind: Noong Feb. 18, maagang inanunsyo ni Duterte ang kanyang planong pagtakbo bilang pangulo sa halalan sa 2028.
- Inihayag niya ito habang may apat na impeachment complaints ang nakabinbin laban sa kanya.
- Inilabas niya rin ang anunsyong ito bago ang pagkumpirma ng mga kasong crimes against humanity sa kanyang ama sa International Criminal Court noong Feb. 23.
Bakit ito may fact-check: Sa pagsusulat, ang Facebook post ay nakakuha 5,200 shares, 109,000 reactions, at 7,700 comments.
- Ang Facebook page na Box Score PH ay isang verified account at mayroong mahigit 156,000 na followers.
- Ang post ay hindi binansagan bilang satire at naloko na ang iilang indibidwal sa comment section.
- Sa pagsusulat, kumalat na sa ibang mga social media platform ang larawan at tila wala na ang satirical na layunin ng post.
Bantay-fake: Hindi lahat ng verified account o page ay mapagkakatiwalaan.
- Laging suriin ang pinagmulan ng mga larawang makikita online dahil ang ilan ay maaaring wala sa tamang konteksto.
- Mag-ingat sa mga post na naglalayong manghikayat ng interaksyon dahil gawain ito ng ilan para pagkakitaan ang content. Rafaela Baluyut
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Facebook reel of supposed US-Iran war footage taken from video game clip, AI-generated
A Facebook reel using AI-generated videos and clips taken from a video game advertisement has gone viral online after falsely portraying a supposed United States missile strike on Iran amid escalating tensions in the Middle East.
FACT-CHECK: Video of Filipino fishermen being attacked in West Philippine Sea is AI-generated
An AI-generated Facebook Reel falsely showing Filipino fishermen videotaping themselves while evading water cannon barrages from a Chinese coast guard vessel in the West Philippine Sea circulated online in late April.
FACT-CHECK: AI-generated video falsely shows construction of ‘high-tech’ 911 call center in Davao City
A Facebook user posted an AI-generated video falsely depicting the construction of a high-tech Davao City Central 911 call center facility in the heart of the city, with many commenters appearing to believe that the footage was real.




