CLAIM: Patay na daw si dating pangulong Rodrigo Duterte sa edad na 94 ayon sa Office of the Press Secretary.

 

RATING: HINDI TOTOO

 

Hindi totoo ang sinasabi sa kumakalat na TikTok video na pumanaw na raw si dating pangulong Rodrigo Duterte sa edad na 94.

Sa naturang video na in-upload ng TikTok user na si “P A R I S I A N” noong June 19, makikita ang umano’y ulat mula sa isang breaking news segment ng 24 Oras ngunit pinalitan ang tunog ng boses ng reporter. 

Ang tunog na ginamit ay mula sa hiwalay na ulat ng 24 Oras Breaking News sa pagpanaw ni dating pangulong Fidel Ramos.

Sa ngayon, mayroon nang 338 likes at 80.5k na views ang video sa TikTok.

Ayon sa inedit na tunog ng video, inanunsyo daw ng Office of the Press Secretary na pumanaw daw si Duterte sa edad na 94. Ngunit ang dating pangulo ay 79 na taong gulang pa lamang. Si Ramos ang pumanaw sa edad na 94 noong July 2022.

Pinalitan na rin ang pangalan ng Office of the Press Secretary at ginawang Presidential Communications Office sa ilalim ng Executive Order No. 11. S.2022, Section 1.Nag-livestream din si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go kasama si Duterte noong June 20 sa tahanan ng dating pangulo upang maipakita na ito ay buhay pa at hindi pa pumapanaw. Earl Jerald Alpay


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});