
CLAIM: Sumuko raw ang kontrobersyal na pastor na si Apollo Quiboloy kay Davao Region police chief Nicolas Torre III.
RATING: HINDI TOTOO
Isang TikTok video ang maling nagsabi na ang self-proclaimed “Appointed Son of God” na si Pastor Apollo Quiboloy ay sumuko raw kay police chief Nicolas Torre III.
Sa video na lumabas sa TikTok noong Sept. 1, makikita si Quiboloy na nakatayo sa pagitan ni Torre at isang hindi kinilalang opisyales ng Philippine National Police o PNP.
Kung titingnan itong mabuti, makikita na ang video ay may “runway” na watermark sa ibabang kanang sulok nito, na nagpapahiwatig na ito ay gawa ng AI.
Makikita ang mga palatandaan ng AI generation, gaya ng saliwang mga ngiti at masyadong mahabang kamayan sa pagitan ni Torre at isang heneral ng PNP.
Ang user na si @ryanestobo ay may luma nang mga post na may kaparehong watermark mula sa Runway AI.
Minarkahan ng “suspicious” o kaduda-duda ang naturang content matapos ang pagsusuri nito sa tulong ng AI-detection software na Sensity.
Si Quiboloy ay “mapayapang sumuko” sa mga opisyales ng military intelligence, hindi kay Torre, noong Setyembre 8, na nagtapos sa police manhunt.
Sinabi ni Torre na “he was only informed by [the] secretary (Interior Secretary Benhur Abalos) that Quiboloy has surrendered [na-inform lamang siya ng secretary (Interior Secretary Benhur Abalos) na nag-surrender na si Quiboloy.” Hurt Allauigan (Translated by: Yesha Santos)
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers
A TikTok post claiming a drop in rice prices under President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. failed to provide context about the rice being sold at P20 per kilo, which is only available through the Department of Agriculture’s Kadiwa ng Pangulo (KNP) marketing initiative, and in selected KNP centers.

FACT-CHECK: Sen. Bato Dela Rosa did not meet Duterte in ICC on May 24
A Facebook post by “Makamasang OFW DDS International” falsely claimed that Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa met with former President Rodrigo Duterte at his ICC detention cell.