CLAIM: Kita daw sa isang aerial footage ang ‘di umano’y malawakang pagbaha sa Metro Manila noong kasagsagan ng Bagyong Carina.

 

RATING: HINDI TOTOO

 

Isang aerial footage ang kumalat kamakailan sa iba’t ibang social media platforms na nagpapakita ng ‘di umanong malawakang pagbaha sa Kamaynilaan.

Maling iniulat ng video na ang nasabing pagbaha at pinsala nito ay dulot ng malakas na pag-ulang dala ng pinagsamang epekto ni Carina (international name “Gaemi”) at ng hanging Habagat.

Sa Tiktok, nakasulat sa mga caption ng naturang post ang mga katagang“Pray for the Philippines” at “Metro Manila,” kasama ang mga hashtags na “#Carina” at “Typhoon2024”. Sa YouTube naman ay tahasang gumamit ng maling pamagat.

Subalit ang pinakitang footage ay hindi nagbigay ng mga malinaw na senyales kung saan ba talaga ito tunay na kinuhaan. 

Wala rin itong mga kilalang landmarks o mga gusali na maaaring makapagturo kung ito nga ba ay sa Maynila o dito sa Pilipinas nakuhaan.

Ayon naman sa Google reverse image search, makikita ang isang Instagram reel na unang lumabas noong Mayo kung saan nagamit naman ang parehong video para ipakita ang umano’y pinsala ng mga pagbaha sa Rio Grande do Sul sa Brazil.

Ang video ay na-recycle na rin noon pang Hulyo sa Tiktok bago ang paghagupit ni Carina sa bansa.

Sa YouTube channel na “BelmarTV”, ginamit ang din ang parehong footage para ipakita ang pinsalang dulot ng mga pagbaha sa China nitong nakaraang Abril.

Sa pagsasaliksik ng PressOne.PH sa naturang video at sa mga katulad nito, walang malinaw na ebidensya sa tunay kung saan ito unang lumabas.

Ginamit din sa mga video ang mga malalakas na tugtugin para itago ang mga background noise na posibleng magamit na ebidensya sa pagtukoy ng pinanggalingan nito. Hurt Allauigan


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers

FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers

A TikTok post claiming a drop in rice prices under President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. failed to provide context about the rice being sold at P20 per kilo, which is only available through the Department of Agriculture’s Kadiwa ng Pangulo (KNP) marketing initiative, and in selected KNP centers.

read more