CLAIM: Ang pag-aresto kay ex-president Duterte ay nagpasimula ng pinakamalaking rally sa Netherlands.
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Isang video ang kumalat sa TikTok na maling nagpapahayag na ang pag-aresto kay ex-president Rodrigo Duterte ang nagpasimula ng pinakamalaking rally sa Netherlands.

Ipinapakita sa clip ang dagsa ng mga tagasuporta ni Duterte na diumano’y nagtipon sa The Hague noong meet-and-greet ni Vice President Sara Duterte na ginanap dalawang araw bago mailathala ang video.

Isang tagapagsalita sa rally ang nagdeklara: “In the hundreds of rallies that I have done, we have never ever had a rally as large as this.”

(Sa daan-daang rally na aking pinangunahan, hindi pa kami nagkaroon ng rally na kasing laki nito.)

Subalit, ang orihinal na video ay hindi mula sa isang pro-Duterte na protesta.

Ito ay mula sa isang anti-oligarchy rally sa Denver, Colorado na pinangunahan nina United States congresswoman Alexandria Ocasio-Cortez at Sen. Bernie Sanders, na nakalikom ng higit sa 34,000 tagasuporta.

Si Sanders ang nagsasalita sa footage.

Ang mga larawan mula sa Facebook page ni Vice President Duterte ay nagpapakita ng ibang imahe ng aktwal na rally. Makikita sa mga larawan ang mga tagasuporta ni Duterte na may hawak na mga bandila ng Pilipinas, na hindi makita sa naglaganap na clip sa TikTok.

Wala ring inilabas na opisyal na bilang ng mga dumalo sa rally mula sa Facebook page ng bise presidente at sa website ng Office of the Vice President.

Sa kasalukuyan, ang clip ay nakakuha ng higit sa 83,700 reaksyon at 1,808 na pag-share. Lance Isaac Reamon


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers

FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers

A TikTok post claiming a drop in rice prices under President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. failed to provide context about the rice being sold at P20 per kilo, which is only available through the Department of Agriculture’s Kadiwa ng Pangulo (KNP) marketing initiative, and in selected KNP centers.

read more