CLAIM: Pinaaresto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Bise Presidente Sara Duterte.
RATING: HINDI TOTOO
Isang Facebook page ang maling nagpakalat ng balita na nasa kustodiya na raw ng mga pulis si Bise Presidente Sara Duterte matapos umanong iutos ang pagkakaaresto niya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Pinost ng Facebook page ang mga litrato ni Marcos Jr. at Duterte kasama ang mga pekeng quotes para pagmukhaing nagtatalo ang dalawang opisyal sa isang hearing.
Gumamit din ang Facebook page ng isang litrato na nagpapakita na kasama ng dalawang pulis ang isang di kilalang babae para ipahiwatig na si Duterte talaga ang inaresto.
Natukoy sa pamamaraan ng reverse image search na ang nasabing larawan ay mula sa isang ulat ng TV Patrol noong Mayo 2015
Pinost ng Facebook page ang maling impormasyon noong Nob. 9, at nagkaroon naman ng mga press conference si Duterte noong Nob. 11, 13, at 15, isang patunay na hindi siya nahuli ng mga pulis.
Ang huling beses na nagsalita si Marcos Jr. tungkol kay Duterte ay noong Okt 11 sa “Kapihan with the Media” sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic, noong siya ay tinanong tungkol sa relasyon nilang dalawa.
Ang edited na larawan na pinost ng Facebook page ay ginamit din bilang thumbnail ng isang YouTube video at mayroon na itong 225,893 na views. Leigh San Diego
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Willie Revillame is not promoting an online casino
A Facebook page used a photo of Willie Revillame to falsely imply that he was endorsing an online casino.
FACT-CHECK: Robin Padilla is alive
A YouTube channel falsely claimed that Sen. Robin Padilla had died due to a severe illness.