CLAIM: Sinabi ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ibabalik niya sa kulungan si Sen. Bong Revilla.
RATING: HINDI TOTOO
Nag-post ang isang TikTok user ng spliced na video na maling ipinalabas na si Sen. Bong Revilla ang tinutukoy ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ibabalik niya raw sa kulungan.
Ang minanipulang content ay gumamit ng dalawang magkaibang video clip at isang hiwalay na audio clip para maling ipakita na kinikwestyon ni Duterte ang speech ni Revilla.
Ang clip ni Revilla na ginamit ay mula Facebook live broadcast ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.
Ang sinabi ni Revilla sa video na, “ngayon lang nangyari yan sa ating bansa, itong ganitong klaseng programa na talagang nararamdaman ng ating mga kababayan kaya palakpakan natin ang ating mahal na Pangulong Bongbong at Speaker Martin Romualdez,” ay nakakuha ng negatibong reaksyon mula sa mga taga-suporta ni Duterte.
Ang orihinal na clip kung saan nagsasalita si Duterte ay kuha naman mula sa kaniyang media conference noong 2016 bago siya lumipad patungong Vietnam.
Sa kabilang banda, si dating pangulong Joseph Estrada ang tinutukoy ni Duterte sa audio clip kung saan sinabi niya ang mga salitang “Balik kita sa kulungan.”
Sinabi ni Duterte ang biro na ito matapos di umanong sinabihan daw siya ni Estrada na siya ay isang “low class.”
Sa ngayon, nakakuha na ang spliced video na ito ng 668,700 na views, 22,100 na reaksyon, 9,359 na komento, at 2,837 na shares sa TikTok. Leigh San Diego
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Photo of a rallyist calling to ‘increase Piattos’ content, altered
An altered photo has circulated social media, particularly Facebook, portraying a rallyist holding a placard urging the government to lobby for “increasing Piattos’ contents.”
FACT-CHECK: Duterte party uses old survey data to tout support for drug war
Posts on X (formerly Twitter) have misleadingly claimed that the Panguil Bay Bridge Project is a big-ticket item under ex-President Rodrigo Duterte’s “Build Build Build” infrastructure program.
FACT-CHECK: Panguil Bay Bridge Project started during the Aquino II administration
Posts on X (formerly Twitter) have misleadingly claimed that the Panguil Bay Bridge Project is a big-ticket item under ex-President Rodrigo Duterte’s “Build Build Build” infrastructure program.