CLAIM: Naisabatas na ang Universal Social Pension para sa mga senior citizen noong simula ng 2026.
RATING: HINDI TOTOO
Isang post sa Facebook ang nagsabing naisabatas na ang Universal Social Pension Bill para sa mga senior citizen noong simula ng 2026.
Red flag: Ang graphic sa Facebook na inilabas noong Feb. 18, 2026, ay mayroong collage nila Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may niyayakap na isang senior citizen at mga senior na kasama ang mga manggagawa mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
- Kasama rin sa nasabing graphic ang isang manipulated na litrato ng pangulo at ng mga senior citizens na mukhang masaya at may hawak na pera.
- Nakasulat sa baba ng graphic ang “SENIOR 60+ MAY PERA NA!”
- Ang larawan ni Marcos na yumayakap ng isang senior citizen ay mula sa Facebook post na in-upload ng Philippine Information Agency (PIA) nung Pebrero 2025 tungkol sa “Inaugural Cash Distribution for Filipino senior citizens who reached the milestone age 80, 85, 90, and 95.”
- Ang litrato naman ng senior citizen na kumukunsulta sa manggagawa ng DSWD ay galing sa website ng PIA Caraga na in-upload noong Enero 2024 nang tumanggap ng pensiyon ang mga senior citizen doon.
- Gamit ang AI detection tools na Undetectable.AI at ZeroGPT, ang mga larawan na may bakas ng AI manipulation ay nakakuha ng 97% na pagpapatunay na ito ay AI manipulated.
Mga Resibo: Habang sinusulat ito, ang Universal Social Pension ay nakalista pa rin bilang panukalang-batas sa website ng Senado.
- Inihain ito noong Sept. 24, 2025, at dumaan pa lang ito sa unang pagbasa noong Sept. 30. Nananatiling pending ito sa antas ng komite.
- Noong Dec. 10, 2025, nagpakita ng suporta ang National Commission of Senior Citizens na ipasa ito bilang batas.
Rewind: Nilalayong palawakin ng Universal Social Pension Bill ang bilang ng mga tumatanggap ng social pension.
- Ayon sa Republic Act No. 9944, ang mga senior citizen na itinuturing na indigent lamang ang makakatanggap ng P500 na stipend buwan-buwan mula sa DSWD.
- Lahat ng senior citizen ay magiging benepisyaryo ng social pension ayon sa panukalang-batas na ito.
Bakit ito may fact-check: Nakakuha na ito ng 251 shares, 1,700 reactions, at 1,300 comments sa Facebook.
- Mayroong 15,000 followers ang Tatak Trending Ph.
- Maaaring magkaroon ng false hope ang mga senior citizen na mayroon silang makukuhang karagdagang tulong dahil sa post na ito.
Bantay-fake: Para makakuha ng update tungkol sa panukalang-batas na ito, tingnan ang opisyal na website o mga social media platform ng DSWD o local na yunit ng kagalingan at pagpapaunlad panlipunan.
- Bisitahin ang website ng Senado o Kamara para malaman ang pag-usad nito.
- Nakakakuha ang mga panukalang-batas na ganitong klase ng malawakang pagbabalita mula sa mga lehitimong ahensya ng balita. Humanap ng mga report mula sa mga mapagkakatiwalaan na ahensya ng balita. Vanya Danyella Barachita
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Viral video of ‘Zaldy Co’ spotted swimming at the beach is AI-generated
An AI-manipulated video uploaded on YouTube falsely claims to document a sighting of former congressman Zaldy Co, who is in hiding.
FACT-CHECK: First couple did not disrespect national anthem during South Korean president’s palace visit
A Facebook post falsely claimed that President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and first lady Liza Araneta-Marcos did not place their right hands over their chests during the singing of the Philippine national anthem, in contrast supposedly to the South Korean first couple, who showed respect.
FACT-CHECK: AI-generated image of OFWs lining up for free calls surfaces online
An AI-generated image of OFWs supposedly lining up for the “OFW Libreng Tawag” program in Dubai surfaced online on March 13.




