CLAIM: Ang June 19 ay isang national special non-working holiday upang ipagdiwang ang kapanganakan ni Dr. Jose Rizal.
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Isang Facebook page ang nagpapakalat ng maling impormasyon na ang June 19 ay idineklarang special non-working holiday sa buong bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Dr. Jose Rizal.

Noong June 18, 2025, nag-post ang Facebook page na Philippine Weather System/Pacific Storm Update ng isang anunsyo na “WALANG PASOK SA HUWEBES, JUNE 19, 2025” nakalagay rin sa caption ng naturang post ang pag-mention sa Republic Act No. 11144. 

Gayunpaman, ang RA 11144 o mas kilala bilang “Araw ng Kapanganakan ni Dr. Jose P. Rizal” ay nilagdaan ni dating pangulong Rodrigo Duterte noong Nov. 9, 2018. At ayon sa batas na ito, effective lamang sa buong probinsya ng Laguna ang pagdedeklara ng naturang special non-working holiday tuwing June 19. 

Isa pa, wala namang anunsyo ang Malacañang ng work suspension sa buong bansa. 

Makikita rin sa caption ng nasabing post ang mga fake links na supposedly ay mga sources ngunit kapag pinindot ay e-commerce sites ang lumalabas. 

Ang post ay originally uploaded sa page ng Walang Pasok Advisory kung saan dito malinaw na mababasa na sa Laguna lamang ipinatutupad ang batas kaugnay ng pagdiriwang ng birthday ni Rizal.  Na siya namang ni-re-upload ng ibang pages gaya ng Bantay Panahon, at iniba ang konteksto na sa buong bansa raw ang naturang deklarasyon. 

Samantala, nagbabala naman ang opisyal na Facebook page ng LGU Santa Maria, Bulacan ukol sa mga fake weather advisory na pi-no-post din ng mga nabanggit na account. 

Sa ngayon, ang maling anunsyo ay mayroon nang 70 reactions, at share na 185. Azriel Gilson Dela Cruz

 


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});