CLAIM: Inanunsyo daw ni Kitty Duterte na naospital at nasa kritikal na kondisyon si Sara Duterte.
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Isang Facebook page ang nagpakalat ng maling impormasyon na naglabas umano si Kitty Duterte ng pahayag na kritikal daw ang kondisyon ni Vice President Sara Duterte sa ospital.

Kasama rin sa nasabing post ang link na dumidirekta sa isang pekeng article na naglalaman ng detalye tungkol sa pekeng pahayag.

Ayon sa article, isiniwalat daw ng umano’y malapit na source ang patuloy na pakikipag-usap ng dating pangulong Rodrigo Duterte kay Kitty dahil sa pagkabahala nito sa kalagayan ni VP Sara. 

Mayroon din itong gawa-gawang quote mula sa dating pangulo, “I just want to know she’s okay” (Gusto ko lang malaman na ayos siya).

Maling ginamit din ng article ang dalawang hashtag ang nag-trend sa Facebook: #GetWellSoonSara at #PrayersForSara, at marami umanong mga pampublikong personalidad ang nagpadala ng kanilang mensahe.

Gayunpaman, tatlong posts lamang na walang kaugnayan ang nakita ng PressOnePH sa #GetWellSoonSara at ang pinakahuling post naman sa #PrayersForSara ay noong 2023 pa.

Wala ring ebidensya na nagpapakitang naglabas ng pahayag si dating pangulong Duterte at iba pang mga pampublikong personalidad tungkol sa umanoy pagka-ospital ng bise presidente.

Makikita rin sa naturang Facebook post ang in-edit na litrato ni Kitty na umiiyak at isang babaeng nasa kama ng ospital na kunwari ay larawan ng bise presidente. 

Ngunit ang naturang litrato ni Kitty ay orihinal na kuha noong siya’y nagtalumpati sa campaign rally ng PDP Laban, at ibang tao naman ang nasa litrato ng babaeng nasa ospital, batay sa isang Instagram content ng GMA Public Affairs noong 2022. Alessandra Reodique


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});