
CLAIM: Lahat ng senior citizen ay makakakuha ng P8,000 na ayuda mula sa mga Malasakit Centers.
RATING: HINDI TOTOO
Isang facebook page ang maling nagbalita na namimigay ang mga Malasakit Centers ng ₱8,000 ayuda sa lahat ng mga senior citizen.
Ang post ay may kasamang kahina-hinalang link na nagre-redirect sa isang web page ng isang kaduda-dudang e-commerce platform.
Ang inedit na imahe na kasama sa naturang post ay orihinal na nanggaling mula sa isang press release ng Department of Budget and Management (DBM) na nag-aanunsyo ng pondo para sa mga proyekto at programa para sa mga nakatatanda.
Walang nabanggit tungkol sa pamimigay ng ayuda.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay hindi naglabas ng opisyal na pahayag sa pamimigay ng ayuda sa mga senior citizens.
Ang mandato ng Malasakit Center ay tumulong lamang para sa may mga medikal at pinansyal na pangangailangan, tulad ng mga “financially incapacitated” o “indigent” na mga pasyente, hindi sa lahat ng mga senior citizen, taliwas sa sinasabi ng naturang post.
Ayon sa Section 9.3 ng Malasakit Centers Act, ang mga medical social worker ang naatasang magsuri kung kwalipikado ang pasyente sa ilalim ng kasalukuyang panuntunan ng Department of Health (DOH).
Ibinahagi rin ng ilang mga kaduda-dudang facebook page ang mapanlinlang na post sa kanilang mga timeline kung saan umani ito ng daan-daang reaksyon at komento. Vergel Villarba
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers
A TikTok post claiming a drop in rice prices under President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. failed to provide context about the rice being sold at P20 per kilo, which is only available through the Department of Agriculture’s Kadiwa ng Pangulo (KNP) marketing initiative, and in selected KNP centers.

FACT-CHECK: Sen. Bato Dela Rosa did not meet Duterte in ICC on May 24
A Facebook post by “Makamasang OFW DDS International” falsely claimed that Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa met with former President Rodrigo Duterte at his ICC detention cell.