
CLAIM: Isang larawan ni Vice President Sara Duterte na nakasuot ng damit na may logo ng Kabataan party-list.
RATING: HINDI TOTOO
Kumalat online ang isang edited na litrato ni Vice President Sara Duterte na may suot-suot umano na damit na may logo ng Kabataan party-list.
Sa isang Facebook post, ipinakita ang isang in-edit na larawan ni VP Duterte na nakasuot ng damit na may logo at itinalagang numero ng Kabataan party-list sa balota para sa naganap na 2025 midterm elections.
Kinuha ang orihinal na litrato ni Duterte mula sa isang video habang nagbibigay siya ng kanyang mensahe para sa paggunita ng International Women’s Month noong ika-8 ng Marso.
Ang totoong suot na damit ni Duterte sa video message ay may logo ng Office of the Vice President.
Kilala ang Kabataan party-list sa pagiging kritiko ng administrasyong Duterte, at madalas itong bumabatikos kina dating pangulong Rodrigo Duterte at sa kasalukuyang bise presidente.
Sa pagsusuri sa opisyal na Facebook page ni Sara Duterte, nakumpirmang hindi niya inendorso ang Kabataan party-list para sa nalalapit na halalan. Leigh San Diego (Translated by: Zelle Corpuz)
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers
A TikTok post claiming a drop in rice prices under President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. failed to provide context about the rice being sold at P20 per kilo, which is only available through the Department of Agriculture’s Kadiwa ng Pangulo (KNP) marketing initiative, and in selected KNP centers.

FACT-CHECK: Sen. Bato Dela Rosa did not meet Duterte in ICC on May 24
A Facebook post by “Makamasang OFW DDS International” falsely claimed that Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa met with former President Rodrigo Duterte at his ICC detention cell.