CLAIM: Umuwi na ang isang US Navy aircraft dahil nagkaayos na ang Pilipinas at Tsina.
RATING: HINDI TOTOO
Isang Facebook user ang maling nagpahayag na umuwi na di umano ang isang US Navy Aircraft dahil natapos na raw ang alitan sa pagitan ng PIlipinas at Tsina.
Ang Facebook reel na ito ay mayroong in-edit na text na nagpapasalamat sa US para sa kanilang suporta sa Pilipinas. Ito ay nakadagdag impresyon na totoo ang naturang video.
Natukoy ng reverse image search ang barko bilang USS Dwight D. Eisenhower. Ngunit, hindi nito mahanap ang orihinal na video na ginamit sa reel.
Ang pinakahuling misyon na ginawa ng Carrier Strike Group ng USS Dwight D. Eisenhower ay isang bilateral na operasyon kasama ang Wasp Amphibious Ready Group sa Eastern Mediterranean Sea.
Noong 2023, ipinadala ang USS Dwight D. Eisenhower sa mga lugar na kasama sa U.S. European Command para makipagtulungan sa kanilang mga kaalyado na palakasin ang kanilang pwersang pandagat.
Ang mga ulat na ito ang nagpapatunay na hindi pumunta o dumaan ang aircraft carrier na ito sa West Philippine Sea noong nakalipas na taon o ngayong taon.
Ang hidwaan naman sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea ay hindi pa rin nareresolba, ayon ito sa pinakahuling press briefing na isinagawa ng Philippine Coast Guard. Leigh San Diego
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Photo of a rallyist calling to ‘increase Piattos’ content, altered
An altered photo has circulated social media, particularly Facebook, portraying a rallyist holding a placard urging the government to lobby for “increasing Piattos’ contents.”
FACT-CHECK: Duterte party uses old survey data to tout support for drug war
Posts on X (formerly Twitter) have misleadingly claimed that the Panguil Bay Bridge Project is a big-ticket item under ex-President Rodrigo Duterte’s “Build Build Build” infrastructure program.
FACT-CHECK: Panguil Bay Bridge Project started during the Aquino II administration
Posts on X (formerly Twitter) have misleadingly claimed that the Panguil Bay Bridge Project is a big-ticket item under ex-President Rodrigo Duterte’s “Build Build Build” infrastructure program.