CLAIM: Nagpo-promote daw ng “Sweet Plinko” app na nagbibigay umano ng P500,000 na bonus game credits sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang YouTuber na si MrBeast.
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Kamakailang kumalat online ang ilang mga minanipulang bidyo ng kilalang YouTuber na si MrBeast at ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. para makapanglinlang at magbigay ng maling impresyon na sila daw ay nag-eendorso ng isang mobile casino app.

Pinapakita sa ad ang pinagtagping kuha ni MrBeast, na kilala sa kanyang mga stunts at magarbong giveaway, kasama ang mga katagang “kung ikaw ay manonood mula sa Pilipinas ay makakatanggap ng 500,000 pesos na pabuya” sa pag-download ng isang app.

Ipinakita rin sa video ang diumano Google Play page nito, kung saan kasama ang opisyal na larawan ng pangulo sa mga featured photos nito.

Sa masusing pag-iimbistiga ng PressOnePH, nahanap namin ang orihinal na video ni MrBeast sa kanyang Tiktok account na nagpo-promote ng kanyang bidyo sa YouTube na mula pa noong Hunyo 2020.

Walang namang opisyal na dokumento mula sa tanggapan ng pangulo ang magpapatunay na nagpo-promote ng pagsusugal si Marcos Jr. 

Malabo rin niya itong gawin matapos niya ideklara sa kanyang naging state of the nation address noong Hulyo ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations o POGO at mga kaugnay na aktibidad nito. Hurt Allauigan (Translated by: Merry-anne Alejandre)


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});