CLAIM: Diskuwalipikado si Richard Gomez dahil sa pagiging isang Duterte supporter.
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Maling pinalabas ng isang Tiktok user na diskuwalipikado na umano si Leyte Rep. Richard Gomez sa muling pagkandidato nito sa halalan sa May 2025 dahil siya raw ay isang “Duterte supporter.”

Ipinahiwatig ng taong nasa video na ang disqualification case na ipinataw sa Comelec laban kay Gomez ay isang uri ng “harrasment,” at binigyang-diin ang desisyon ni Gomez na hindi lagdaan ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, pati na rin ang pagsasagawa ng isang pro-Duterte rally sa Ormoc City.

Noong ika-17 ng Marso 2025, naghain ng petition for disqualification si Mayor Ramon Oñate laban kay Gomez, hindi dahil siya ay isang tagasuporta ni Duterte gaya ng sinasabi sa video, kundi dahil umano sa pagpapakalat nito ng “malicious content” sa kanyang opisyal na Facebook page, Richard “GOMA” Gomez.

Ayon sa isang press release mula kay Atty. Emil Marañon III, legal counsel ni Oñate, nilabag umano ni Gomez ang Section 261(z)(11) ng Omnibus Election Code dahil sa pagbabahagi ng isang video kung saan sinasabi na ang host ay nagpalaganap ng “electoral fake news.”

Ipinost ni Gomez ang naturang video na may caption na, “Palompon is poised to do grave and massive election cheating this coming May.”

Walang inilalabas na resolusyon ang Comelec kaugnay ng nasabing petisyon.

Umani na ang Tiktok video ng 200,000 views at 1,040 comments. Regner Atutubo


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers

FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers

A TikTok post claiming a drop in rice prices under President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. failed to provide context about the rice being sold at P20 per kilo, which is only available through the Department of Agriculture’s Kadiwa ng Pangulo (KNP) marketing initiative, and in selected KNP centers.

read more