CLAIM:  Video ng sinasabing sitwasyon sa Bicol matapos ang Severe Tropical Storm Kristine.
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Isang user sa Youtube ang maling nagpakalat na ang isang video ay nagpapakita ng epekto ng Bagyong Kristine (Trami) sa rehiyon ng Bicol.

Ang video na ipinost ng user na @goodtoknow777 ay may text overlay na nagsasabing, “SITUATION SA BIKOL TODAY” (Kalagayan sa Bicol ngayon).

Ipinapakita sa video ang isang lungsod na lubog sa baha mula sa itaas.

Kaso nga lang, ang stadium na ipinapakita sa video ay hindi matatagpuan sa Bicol o kahit saan sa Pilipinas. Ito ay ang Arena do Grêmio sa estado ng Rio Grande do Sul, sa timog Brazil.

Ang orihinal na video ay kuha sa Porto Alegre, Brazil pagkatapos ng isa ring malakas na bagyo noong Mayo 2024. Ipinost ito ng user na @uesleyvoos sa TikTok na may caption na nagsasabing, “RS PEDE SOCORRO #ajudeors #riograndedosul” (Humihingi ng tulong ang Rio Grande do Sul #tulong #riograndedosul).

Ang clip ay na-post din sa Instagram na may parehong maling pahayag. Jannah Argote


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});