CLAIM: Ang aplikasyon at pagproseso ng National ID ay maaaring mapabilis online kapalit ng bayad.
RATING: HINDI TOTOO
May isang Facebook group na nagpapakalat ng maling anunsyo na maaaring mapabilis online ang pagproseso ng National ID kapalit ang bayad.
Pinabulaanan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pahayag na ito at naglabas ng mga pampublikong abiso na nagbabala laban sa mga indibidwal o entidad na nag-aalok ng “pinabilis” na serbisyo ng national ID online ng may bayad.
Ayon sa PSA, na namamahala sa Philippine Identification System (PhilSys), kinakailangan sa lahat ng aplikante para sa National ID na personal na magpakita sa mga itinalagang tanggapan ng pagpaparehistro.
Binibigyang-diin ng PSA na hindi maaaring gawin ang buo ang proseso online. Ang mga unang hakbang tulad ng pagpasok ng demographic data na maaaring gawin dati sa pamamagitan ng opisyal na website ay hindi na magagawa ngayon.
Ang huling hakbang ng biometric capture, na kinabibilangan ng fingerprint, iris scan, at litrato, ay nangangailangan ng pisikal na presensya ng aplikante sa isang awtorisadong PhilSys registration center.
Ayon sa abiso ng Philsys, nananatiling libre ang ang pagpaparehistro sa National ID.
“Tanging ang PSA lamang ang awtorisadong magrehistro ng mga indibidwal sa National ID system, nang walang anumang bayad.” Hinihimok namin ang publiko na maging maingat at iwasan ang pagbabahagi ng maling impormasyon tungkol sa National ID na nai-post sa iba’t ibang social media sites,” ayon sa abiso.
Binibigyang-diin din ng PSA na ang opisyal na mga update tungkol sa National ID ay maaari lamang makuha mula sa kanilang mga beripikadong channel, kabilang ang website at mga social media account. Mery-anne Alejandre
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Willie Revillame is not promoting an online casino
A Facebook page used a photo of Willie Revillame to falsely imply that he was endorsing an online casino.
FACT-CHECK: Robin Padilla is alive
A YouTube channel falsely claimed that Sen. Robin Padilla had died due to a severe illness.