
CLAIM: Ang mga umano’y leaked na larawan ng bumagsak na FA-50 jet ng Philippine Air Force sa Bukidnon.
RATING: HINDI TOTOO
Isang Facebook page ang nagbahagi ng mga larawan ng bumagsak na jet fighter, na maling iniuugnay sa nawawalang FA-50 ng Philippine Air Force (PAF) na kalaunan ay natagpuan sa Bukidnon.
Ipinost ng “NextGen PHDefense” ang dalawang larawan ng isang nasirang sasakyang panghimpapawid na may caption: “IMAGES OF THE CR*ASHED (sic) FA-50PH 002 EMERGES, WHICH WAS LOCATED AT MT. KALATUGAN, MIARAYON TALAKAG, BUKIDNON! CTTO.”
(“Lumabas na ang mga larawan ng bumagsak na FA-50PH 002, na natagpuan sa Mt. Kalatugan, Miarayon Talakag, Bukidnon! CTTO.”)
Gayunpaman, hindi ito larawan ng nawawalang jet ng PAF kundi ng isang F-22 Raptor ng United States Air Force na naunang naiulat sa isang artikulo noong 2022.
Noong Marso 5, kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa media na ang nawawalang jet ay natagpuan sa isang crash site malapit sa Mt. Kalatungan, Bukidnon.
Kinumpirma rin ng PAF ang pagkamatay ng dalawang piloto na sakay ng naturang sasakyang panghimpapawid na may tail number 002.
Walang opisyal na larawan mula sa PAF na inilabas sa publiko noong panahong iyon.
Ayon sa ulat, ang jet ay nawala noong Marso 4 habang nasa isang “tactical night operation.” Isa ito sa 12 FA-50 jets na binili ng Pilipinas mula sa South Korea.
Sa pamamagitan ng opisyal na Facebook page nito, pinasinungalingan ng AFP ang maling impormasyon at pinaalalahanan ang publiko na “umasa lamang sa tamang impormasyon at iwasang magpakalat ng maling balita na maaaring magdulot ng kalituhan at pangamba.”
Bago ito tinanggal sa Facebook, nakakuha ang post ng 1,200 reactions, 384 comments, at 764 shares. Hurt Allauigan
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT-CHECK: Duterte yet to secure victory in ICC Case
A Facebook post falsely claimed that former president Rodrigo Duterte had won his case at the International Criminal Court (ICC) after the witnesses supposedly withdrew.

FACT-CHECK: National Grid Corp. of the Philippines not sold by ex-president Duterte to China
A TikTok user falsely claimed that the National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) was sold to China by former president Rodrigo Duterte.

FACT-CHECK: Old US Homeland Security travel advisory on NAIA circulates on TikTok
A TikTok account falsely implied that the US Department of Homeland Security recently issued a travel advisory stating that the Ninoy Aquino International Airport “does not maintain and carry out effective aviation security measures.”