CLAIM: Humanga umano si Pope Francis kay dating pangulong Rodrigo Duterte at inendorso ang kampanya nito laban sa droga.

RATING: HINDI TOTOO

 

Patuloy ang pagkalat sa social media ng maling pahayag na diumano’y inendorso ni Pope Francis si Rodrigo Duterte at ang kanyang “war on drugs.”

Muli itong nabuhay matapos pumanaw ang Santo Papa noong Abril 21 at makulong si Duterte sa ilalim ng International Criminal Court.

Noong Marso 31, namataan ng PressOne.PH ang isang TikTok user na nag-post ng isang peke at recycled na quote mula pa noong kampanya ni Duterte noong 2016.

“I was amazed by the fact that a politician who is aiming at the highest position could be this honest. It was a first encounter for me to see a politician being honest about his concern for his country other than kissing my hands for the sole purpose of getting the support of the majority of the Catholic population… there’s no need for an apology [sic]. I admire his honesty,” saad sa pekeng quote card.

(“Namangha ako sa katotohanang may isang pulitiko na nagnanais sa pinakamataas na posisyon na maaaring maging ganito katapat. Ito ang unang pagkakataon para sa akin na makakita ng isang pulitiko na tapat sa kanyang malasakit sa bayan, bukod sa paghalik sa aking mga kamay para lamang makuha ang suporta ng nakararaming Katoliko… walang kailangang paghingi ng tawad. Hinahangaan ko ang kanyang katapatan.”)

Iba pang bersyon ng quote card ang sabay-sabay ding naipost sa TikTok noong Nob. 5-8, 2023. Muling lumitaw ang mga repost simula Marso 26.

Ipinapakita ng mga pekeng pahayag na tila pinatawad ng Santo Papa si Duterte sa pagmumura sa kanya noong 2015, matapos itong maipit sa trapik dahil sa papal visit.

Ngunit walang opisyal na dokumento o pahayag mula sa Vatican na nagpapatunay na naglabas ng pahayag si Pope Francis ukol sa isyu.

Sa halip, ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, tumugon umano ang Santo Papa sa sulat ni Duterte ng paghingi ng paumanhin. 

“Holy Father offers the assurance of his prayers for you, as he invokes upon you the divine blessings of wisdom and peace,” ayon sa ulat.

(“Ang santo papa ay nag-aalay ng katiyakan ng kanyang mga panalangin para sa iyo, habang siya’y humihiling para sa iyo ng banal na pagpapala ng karunungan at kapayapaan.”)

Hindi kinumpirma o itinanggi ng Vatican ang nasabing liham, ngunit wala sa tugon ang anumang bahagi ng mga pekeng pahayag.

Sa kasalukuyan, ang pinakapinapanood na quote card ay umani na ng higit 442,000 views, 33,000 likes, 653 comments, at 1,583 shares sa TikTok.

Bukod sa mga ito, kumalat din ang mga maling naratibo na sinusuportahan umano ng Santo Papa ang marahas na kampanya kontra droga ni Duterte.

Noong Disyembre 1, 2018, nagtalumpati si Pope Francis sa 450 kalahok ng isang pandaigdigang kumperensya sa Vatican ukol sa droga.

Tinawag niya ang ilegal na droga bilang “isang bukas na sugat sa lipunan,” at hinimok ang mga pamahalaan na labanan ang produksyon at kalakal nito.

Ngunit binigyang-diin niya ang pangangailangan ng isang “humanistic” o makataong pamamaraan sa pagtugon sa problema sa droga na alinsunod sa “Gospel of Mercy” na iminumungkahi ng simbahan upang maging epektibo sa pag-alis, pag-aalaga, at pagpapagaling sa mga apektado.

Bagama’t ikinatuwa noon ng Malacañang ang pahayag ng Santo Papa, ipinagkamali ito ng ilang tagasuporta bilang “basbas” sa drug war.

Walang pormal na pahayag ang Vatican na sumusuporta sa mga maling interpretasyong ito.

Kinondena rin ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang isang media outlet noong Disyembre 2018 dahil sa maling ulat na diumano’y “sumali” si Pope Francis sa war on drugs. Hurt Allauigan


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers

FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers

A TikTok post claiming a drop in rice prices under President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. failed to provide context about the rice being sold at P20 per kilo, which is only available through the Department of Agriculture’s Kadiwa ng Pangulo (KNP) marketing initiative, and in selected KNP centers.

read more