CLAIM: Inaresto daw si Vice Ganda matapos bastusin ang dating pangulong Rodrigo Duterte sa “Super Divas: The Concert.”
RATING: HINDI TOTOO
Isang YouTube video ang maling nagpahayag na inaresto daw ang komdeyanteng si Vice Ganda matapos nito umanong bastusin ang dating pangulong Rodrigo Duterte sa kakatapos lang niyang “Super Divas: The Concert.”
Sa concert na iyon, nagbitaw si Vice Ganda ng biro tungkol sa pangako ng dating pangulo sa kampanya nito na sasakay ito ng jet ski papuntang Spratly Islands at magtatanim ng watawat ng Pilipinas doon.
Red flag: Itinatampok sa thumbnail ng video ang litrato ni Sen. Rodante Marcoleta na nagmumukhang agresibo at si Vice Ganda na may suot na dark orange na damit, habang ang mga kamay nito ay magkadikit, at napapaligiran ng mga tao.
- Ang caption ng video ay nagsasabing, “Vice Ganda, DINAMPOT na ng KAPULISAN matapos ang GINAWA nito kay RODRIGO DUTERTE at PBBM! Sara Bato.”
- Ang overlay texts sa thumbnail ay nagsasabing, “Vice Ganda arestado… “Mabubulok ka sa kulungan bakla!””
Mga resibo: Ang larawan ni Vice Ganda na ginamit sa thumbnail ay kuha ng isang netizen noong taong 2019 sa Grand Rally ni Ayong Maliksi. Habang ang larawan ni Marcoleta sa thumbnail ay kuha sa livestream noong botohan ng senado para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
- Totoong binanggit ni Marcoleta ang birong binitawan ni Vice Ganda, na endorser ng isang online gambling portal, ngunit wala siyang binanggit tungkol sa pagkaaresto ng komedyante.
- Ang mga katagang, “Mabubulok ka sa kulungan, bakla,” ay hindi sinabi ni Marcoleta. Bagkus ay “Napaka walanghiya ng tao na ‘yon,” ang kaniyang sinabi.
- Ang content ng video ay isang livestream ng pampublikong pagdinig ng pagpupulong ng Senate Committee on Games and Amusement.
- Matapos ang concert, bumalik si Vice Ganda sa pagho-host sa “It’s Showtime.”
- Walang opisyal na dokumento ang magpapatunay na si Vice Ganda ay dinala sa kustodiya.
Rewind: Sa unang araw ng two-day concert nina Vice Ganda at Regine Velasquez-Alcasid na “Super Divas: The Concert,” sa Araneta Coliseum, gumawa sila ng skit tungkol sa viral na “Jet2Holiday” meme at pinalitan ito ng “Jet ski holiday”.
- Ang birong ginawa ng komedyante ay tungkol sa pangako ng dating pangulo na sasakay ito ng jet ski papuntang Spratly Islands at itatanim ang watawat ng Pilipinas dito, na kalaunan ay hinayag bilang isa lamang “campaign joke”.
- Nagalit ang mga tagasuporta ni Duterte dahil sa birong iyon. Noong Aug. 11, kumalat online ang isang draft resolution na nagdedeklarang si Vice Ganda ay “persona non grata” na sa Davao City. Ito naman ay pinabulaanan din ng acting Vice Mayor ng Davao City na si Vice Mayor Rodrigo “Rigo” Duterte II, at sinabing may mas importanteng bagay na kailangan bigyang pansin ng city council, kaysa ang bigyan ng atensyon ang mga “cheap insults and distasteful jokes made for clout.”
- Sinabi naman ni Vice President Sara Duterte sa isang interview na hahayaan niya ang city council ng Davao na magdesisyon kung idedeklara ba si Vice Ganda bilang persona non grata o hindi.
Bakit ito may fact-check: Sa ngayon, umani ng 3,061 views at 107 likes and Youtube video.
Bantay-fake: Sa panahon ngayon, ginagamit na ang mga paraang pang clickbait upang magkalat ng disimpormasyon.
- Iwasan maging biktima ng mga ganitong klase ng content sa pamamagitan ng paniniguro kung ang mga larawan at detalye na ginamit sa thumbnail ay tugma sa claim ng uploaded content.
- Higit pa rito, maglaan ng oras para suriin nang mabuti ang kabuuang content bago gumawa ng konklusyon. Daniela Angelyn Solis
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Facebook reel of supposed US-Iran war footage taken from video game clip, AI-generated
A Facebook reel using AI-generated videos and clips taken from a video game advertisement has gone viral online after falsely portraying a supposed United States missile strike on Iran amid escalating tensions in the Middle East.
FACT-CHECK: Video of Filipino fishermen being attacked in West Philippine Sea is AI-generated
An AI-generated Facebook Reel falsely showing Filipino fishermen videotaping themselves while evading water cannon barrages from a Chinese coast guard vessel in the West Philippine Sea circulated online in late April.
FACT-CHECK: AI-generated video falsely shows construction of ‘high-tech’ 911 call center in Davao City
A Facebook user posted an AI-generated video falsely depicting the construction of a high-tech Davao City Central 911 call center facility in the heart of the city, with many commenters appearing to believe that the footage was real.




