CLAIM: Inanunsyo ni Sen. Robin Padilla na pumanaw na si dating pangulong Rodrigo Duterte.
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Isang video sa YouTube na ini-upload ng channel na “Viral TV” ang maling nagpahayag na inanunsyo na daw umano ni Sen. Robin Padilla sa isang pagdinig sa senado na pumanaw na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Netherlands matapos itong maaresto.

Makikita sa thumbnail ng naturang video ang mga pinagtagpi-tagping litrato nina Padilla na umiiyak at ng isang pasyenteng nakahiga sa kama ng ospital habang inaalalayan ng isang health worker.

Nakasulat sa caption ng video ang: “ROBIN Padilla may MASAMANG BALITA sa LAGAY ngayon ni RODRIGO DUTERTE sa Netherlands.” Nakalagay rin sa teksto sa ibaba ang mga katagang: “Wala na si Tatay Digong…”

Gayunman, si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, at hindi si Padilla, ang naglabas ng pahayag tungkol sa situwasyon ni Duterte matapos ang pagkaka-aresto, sa isang pampublikong pagdinig ng Committee on Foreign Relations noong Abril 10. Wala ring lumabas na ulat na pumanaw na ang dating pangulo.

Ipinahayag ni Go ang kanyang pag-aalala sa umano’y mga “‘di-makataong kakulangan” sa pag-aasikaso sa mga pangangailangang medikal ni Duterte.

Kinuwestiyon niya si Special Envoy on Transnational Crime Marcus Lacanilao sa naturang pagdinig. Kinupirma ni Lacanilao na isinakay si Duterte nang mag-isa sa stretcher at hindi siya pinayagang samahan ng kanyang mga personal na doktor.

Sinabi rin ni Go na hindi nakuha ni Duterte ang kanyang 27 na iniresetang gamot. Bukod dito, inilahad niyang mataas ang blood sugar ni Duterte bago ang paglipad at nakatakdang sumailalim sa isang medikal na pagsusuri.

Ang litratong ginamit sa thumbnail, na umano’y nagpapakita kay Duterte sa isang kama sa ospital, ay isang pasyenteng may Covid na sumasailalim sa dialysis sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) noong 2021, na kinuha ni Reuters photojournalist na si Eloisa Lopez.

Ang opisyal na Facebook page ng Senado ng Pilipinas ay walang post tungkol kay Padilla na nagpapahayag ng kondisyon ni Duterte.

Sa pagsulat ng ulat na ito, ang YouTube bidyo na ito ay nakakuha ng 4,881 views at 164 na likes. Maan Badua

 


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});