CLAIM: Humingi ng tawad at nagmakaawa si dating pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hayaan siyang makauwi ng Pilipinas.
RATING: HINDI TOTOO
Isang pekeng quote card ang nakakuha ng traksyon sa Facebook kung saan maling ipinahayag na ang dating pangulong Rodrigo Duterte ay humingi raw ng tawad kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at nakiusap na payagang makauwi ng bansa.
Red Flag: Ang screenshot ng isang quote card mula sa TikTok ay inilabas noong Jan. 22, na may maling caption na nagsasabing ito ay isang emosyonal na mensahe galing sa dating pangulo.
- Ginaya ng quote card ang layout na ginagamit ng Bilyonaryo News Channel sa kanilang mga social media channel, na siyang nagpapataas ng potensyal nitong makapaglinlang ng mga tao.
- Ang larawan ay may tekstong nakasulat na, “Patawarin niyo na ako. Palayaan niyo na ako. Pangulong Bongbong Marcos, i-uwi niyo na ako sa Pilipinas, parang awa niyo na. Hayaan niyo na akong mamahinga sa Pilipinas.”
- Nakapaskil din sa background ang isang larawan ni Duterte na may mahabang buhok at nakasuot ng scrubs ng ospital, at kumpirmado ng iba’t ibang detection tools na binuo ang larawan gamit ang AI.
- Ang Undetectable.AI at ZeroGPT ay nakakita ng 91% na posibilidad ng pagmamanipula ng AI. Gayundin, nakita ng FakeImageDetector.com na ang imahe ay mukhang “binuo o binago ng computer.”
Mga Resibo: Hindi humingi ng tawad si Duterte sa kanyang kahilingan para sa interim release at indefinite adjournment ng mga pagdinig ng International Criminal Court sa kanyang kaso.
- Hindi pa nagpapakita at direktang nakikipag-usap sa media si Duterte mula noong una siyang humarap sa ICC noong March 14, 2025.
- Inaprubahan ng ICC ang kanyang kahilingan na hindi tumuloy sa kanyang kumpirmasyon ng mga kaso na ginanap noong Feb. 23-27, na siyang nagpatagal sa kanyang pagkawala sa mata ng publiko.
- Sa oras ng pagsulat nito, wala pang inilalabas ang ICC na larawan ni Duterte sa loob ng kanyang selda.
Rewind: Inilagay si Duterte kustodiya ng ICC mula noong March 12, 2025.
- Ang kanyang defense team ay naghain ng unang pansamantalang kahilingan sa pagpapalaya noong June 12, 2025 na tinanggihan naman ng korte noong Sept. 26.
Bakit ito may fact-check: Sa oras ng pagsulat nito, ang Facebook post ay nakakuha ng mahigit 17,000 likes at 450 shares.
- Ang Facebook user na “NARDZ TV51” ay mayroong mahigit 60,000 followers.
- Ang TikTok account na “Metropolitan News Channel” na nag-post din ng pekeng quote card ay mayroong mahigit 6,000 followers.
- Ang orihinal na post sa TikTok ay nakakuha ng mahigit 66,000 na views.
Bantay-fake: Manatiling maingat laban sa mga kahina-hinala at nakakabiglang balita.
- Tumingin lamang sa mga opisyal na website at mapagkakatiwalaang mga outlet ng balita upang kumpirmahin ang mga impormasyong makikita online. Khloe Lim
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Viral video of ‘Zaldy Co’ spotted swimming at the beach is AI-generated
An AI-manipulated video uploaded on YouTube falsely claims to document a sighting of former congressman Zaldy Co, who is in hiding.
FACT-CHECK: First couple did not disrespect national anthem during South Korean president’s palace visit
A Facebook post falsely claimed that President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and first lady Liza Araneta-Marcos did not place their right hands over their chests during the singing of the Philippine national anthem, in contrast supposedly to the South Korean first couple, who showed respect.
FACT-CHECK: AI-generated image of OFWs lining up for free calls surfaces online
An AI-generated image of OFWs supposedly lining up for the “OFW Libreng Tawag” program in Dubai surfaced online on March 13.




