
CLAIM: Si dating pangulong Rodrigo Duterte umano ay endorser ng Coca-Cola.
RATING: HINDI TOTOO
Isang Facebook reel ang nagpakalat ng maling impormasyon na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay endorser umano ng softdrink brand na Coca-Cola.
Ang reuploaded video, mula kay Izang Wineland, ay kuha sa isang convenience store na matatagpuan umano sa “Orlando, CA,” base sa tekstong nasa orihinal na clip.
Makikita sa video ang mga customized Coke cans na may tatak gaya ng “FPRRD” (daglat ng Former President Rodrigo Roa Duterte), “Mabuhay ka Tatay (FPRRD),” at “We love you (FPRRD) – Aringkingking.”
Sa reuploaded na bersyon ng video, may caption itong “Endorsement na c Tay Digs o Coke,” kasama ang dalawang AI-generated na larawan ni Duterte na may hawak na Coke.
Noong Abril 11, nag-post sa kanyang opisyal na Facebook account ang orihinal na uploader na si Flying Aringkingking. Ayon sa kanya, sariling gastos umano niya ang ginamit sa mga customized na Coke bilang pagpapakita ng suporta at pagmamahal kay Duterte.
Sa hiwalay na post, tinawag din niya ang pansin ng mga nag-share ng kanyang video nang walang proper credit, at binatikos ang paggamit ng clickbait captions para lang makakuha ng views.
Sa kasalukuyan, ang opisyal at pinakabagong endorser ng Coca-Cola Philippines ay ang P-pop girl group na BINI, na tampok sa nagbabalik na #ShareACoke campaign kung saan maaaring ipa-customize ang mga bote at lata ng Coke gamit ang pangalan ng customer.
Wala ring ebidensiyang nagpapakita na si Rodrigo Duterte ay opisyal na kinuha ng Coca-Cola upang maging kanilang endorser.
Umani ang nasabing post ng 1,500 comments at 3,200 shares. Milyn Carreon
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers
A TikTok post claiming a drop in rice prices under President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. failed to provide context about the rice being sold at P20 per kilo, which is only available through the Department of Agriculture’s Kadiwa ng Pangulo (KNP) marketing initiative, and in selected KNP centers.

FACT-CHECK: Sen. Bato Dela Rosa did not meet Duterte in ICC on May 24
A Facebook post by “Makamasang OFW DDS International” falsely claimed that Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa met with former President Rodrigo Duterte at his ICC detention cell.