CLAIM: Hindi iginalang nina President Ferdinand Marcos Jr. at first lady Liza Araneta-Marcos ang pambansang awit ng Pilipinas noong bumisita ang first couple ng South Korea sa Malacañan. 

 

RATING: HINDI TOTOO

 

Isang post sa Facebook ang maling nagpahayag na hindi raw inilagay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at first lady Liza Araneta-Marcos ang kanilang kanang kamay sa kanilang dibdib habang inaawit ang pambansang awit ng Pilipinas, kabaligtaran diumano sa pangulo at first lady ng South Korea, na nagpakita raw ng paggalang.

Red Flag: Inilabas ang Facebook post noong March 4 na may kasamang maling caption na inakusahan ang pangulo at first lady ng hindi paggalang sa pambansang awit ng Pilipinas.

  • Ang post ay isang screenshot mula sa RTVM livestream noong bumisita si South Korean President Lee Jae Myung at ang kanyang asawa sa Malacañan Palace noong March 3.
  • Sinamahan ito ng caption kung saan may nakasulat na, “Ang [Korean] president nag respect sa [Bayang Magiliw,] pero ang president ng [Pinas]. Bangag pa ata di man [lang] ni respect ang Lupang [Hinirang]…omg! Halatang [walang] pagmamahal sa bansa natin.”

Mga Resibo: Ang larawang inilabas ay isang screenshot habang inaawit ang pambansang awit ng Korea, kaya nakasaludo si Pangulong Lee at ang kanyang asawa. 

Rewind: Lumabas ang post isang araw matapos dumating sa Pilipinas ang pangulo ng South Korea para sa isang state visit.

  • Inimbitahan si Pangulong Lee sa Palasyo noong March 3. Ito ang kauna-unahang pagbisita mula noong itinatag ang Philippines-South Korea Free Trade Agreement noong Dec. 31, 2024.

Bakit ito may fact-check: Sa oras ng pagsulat, ang Facebook post ay nakakuha ng higit 97,000 na reactions, 8,000 na comments, at 6,000 na shares. 

  • Si Facebook user “Abby Timcang” ay mayroong mahigit na 9,000 followers.

Bantay-fake: Manatiling maingat laban sa mga kahina-hinala at nakakabiglang balita.

  • Tumingin lamang sa mga opisyal na website at mapagkakatiwalaang mga outlet ng balita upang kumpirmahin ang mga impormasyong makikita online. Khloe Lim


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy