
CLAIM: Ang mga politiko ay aktibong nagpapalaganap ng mga cryptocurrency trading platform na nangangakong magbibigay ng passive income sa mga Pilipino.
RATING: DI TOTOO
Lumabas sa Facebook ang mga kahina-hinalang link na may mapanlinlang na pamagat at pekeng ulat tungkol sa mga politiko upang hikayatin ang mga walang muwang na mambabasa na mamuhunan sa kaduda-dudang cryptocurrency platforms.
Kamakailan, napansin ng PressOnePH ang dalawang mapanlinlang na pahayag na may kaugnayan kay Sen. Raffy Tulfo at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang post na ibinahagi noong Disyembre ng beripikadong Facebook account ng retiradong basketball personality na si Dwayne Wade, isang pekeng artikulo mula sa Inquirer ang nagpakita ng thumbnail na nagsasabing makatatanggap ang mga Pilipino ng hindi tinukoy na halaga ng pera bilang “kompensasyon mula sa estado” batay sa kanilang saklaw ng edad.
Makikita sa thumbnail ang isang malabong larawan ni Marcos Jr. na may nakasulat na: “NEW LAW FOR THE PHILIPPINES.” (“BAGONG BATAS PARA SA PILIPINAS.”)
Gayunpaman, walang anumang batas o anunsyo mula sa alinmang ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng kompensasyon batay lamang sa edad.
Isa pang post ang maling nag-ulat na sangkot si Sen. Raffy Tulfo sa isang iskandalo, kung saan ginamit ang isang pinagbago at pinekeng larawan upang palabasing siya ay “inaresto.”
Ang parehong artikulo ay naglalaman ng mga link na nagdadala sa isang pahinang ginagaya ang website ng Inquirer. Wala sa dalawang website ang may opisyal na domain na inquirer.net at sa halip ay gumagamit ng “inquirer.ph” bilang URL.
Katulad ito ng isang naunang pahayag na na-fact-check ng PressOne.PH noong Setyembre 2024.
Pinaaalalahanan ng PressOne.PH ang publiko na maging mapanuri at huwag basta-bastang maniwala sa ganitong uri ng mga panloloko sa pamamagitan ng palagiang pagberipika ng pagiging lehitimo ng mga website na kanilang binibisita. Hurt Allauigan
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT-CHECK: Pope Francis, Tagle did not engage in debate
A YouTube video falsely claimed that Cardinal Luis Antonio Tagle had debated Pope Francis about God.

FACT-CHECK: Still no franchise for ABS-CBN
A series of false claims appeared on Facebook and X (formerly Twitter) announcing that ABS-CBN will return to free Philippine television starting Feb. 10.

FACT-CHECK: ‘Francis Leo Marcos’ not among Oculum survey’s top 10 senatorial candidates
A Facebook post falsely claimed on Thursday that internet personality Norman Mangusin, who uses the name“Francis Leo Marcos,” is among the top 10 senatorial candidates in the latest Oculum Research and Analytics survey.