CLAIM: Naipanalo na ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang kaso sa International Criminal Court.
RATING: HINDI TOTOO
Maling ipinakalat ng isang Facebook post na naipanalo na ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kaso sa International Criminal Court (ICC) matapos umurong ‘di umano ang mga testigo laban sa kanya.
Ang post ay naglalaman ng litrato ng mga ina’t asawa ng mga naging biktima ng giyera kontra droga na kinuha mula sa isang press conference noong ika-12 ng Marso, na maling ipinakahulugan na umurong na raw ang mga tetestigo sa ICC.
Samantala, ang kaso ay nananatili pa rin sa pre-trial stage, kung saan kukumpirmahin muna ang pagkakakilanlan ng suspek at siguraduhing lubusan nitong naintindihan ang mga bintang laban sa kanya.
Ang larawan ay kinuha mula sa isang press conference na inorganisa ng human rights group na Karapatan na isinagawa isang araw matapos ang pag-aresto sa dating pangulo, upang gunitain ang mga biktima ng giyera kontra droga—na isang isyung patuloy na nanatili sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Wala pang anunsyo mula sa ICC patungkol sa pag-urong ng mga testigo, at kung mayroon mang pag-urong na naganap, hindi ito agarang magreresulta sa pagsara ng isang kaso, salungat sa iminungkahi ng post.
Sa nakaraang pag-uulat, ang dating pangulo ay naakusahan ng pagpatay sa ‘di bababa sa 43 na indibidwal sa pagitan ng mga taong 2011 at 2019—bila na siyang kakatawan sa libu-libong pinaniniwalaang pinatay noong panahon ng anti-drug operations sa ilalim ng kaniyang termino.
Sa ilalim ng Rule 81(3) of the ICC’s Rules of Procedure and Evidence, obligado and korte na protektahan ang kapakanan ng mga testigo, biktima, at ang kani-kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagtago ng kanilang pagkakakilanlan.
Hanggat hindi binibigyan ang Korte ng permiso na ibunyag ang kanilang impormasyon, walang paraan para maikumpirma kung sino man sa mga indibidwal na dumalo sa nasabing press conference ay tumestigo sa kaso, gayundin ang sinasabing “pag-atras” nila.
Ang Facebook post ay naglikom ng 138 na reaction, 40 na comment at 26 na share sa panahon ng pagpost. Regner Atutubo
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Facebook reel of supposed US-Iran war footage taken from video game clip, AI-generated
A Facebook reel using AI-generated videos and clips taken from a video game advertisement has gone viral online after falsely portraying a supposed United States missile strike on Iran amid escalating tensions in the Middle East.
FACT-CHECK: Video of Filipino fishermen being attacked in West Philippine Sea is AI-generated
An AI-generated Facebook Reel falsely showing Filipino fishermen videotaping themselves while evading water cannon barrages from a Chinese coast guard vessel in the West Philippine Sea circulated online in late April.
FACT-CHECK: AI-generated video falsely shows construction of ‘high-tech’ 911 call center in Davao City
A Facebook user posted an AI-generated video falsely depicting the construction of a high-tech Davao City Central 911 call center facility in the heart of the city, with many commenters appearing to believe that the footage was real.




