CLAIM: Ang halos natapos na Davao City Bypass Construction Project, na kinabibilangan ng pinakamahabang road tunnel sa bansa, ay isang “Duterte Legacy.”
RATING: KULANG SA KONTEKSTO
Isang TikTok video na ipinost noong June 6, 2025 ng user na “Davao Chinito” ang nagsasabing ang Davao City Bypass Construction Project (DCBCP) ay isang “Duterte Legacy.” Ngunit, ang pahayag na ito ay kulang sa mahalagang konteksto.
Ipinapakita sa video ang tunnel ng proyekto sa bundok na may on-screen text na nagsasabing, “Longest Mountain Road in Philippines nears Completion,” na sinundan ng “Duterte Legacy.””
Bagama’t nagsimula ang konstruksyon ng proyekto sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyang administrasyon na Marcos, ang proyekto na ito ay minana lamang niya.
Nagsimula ang proyekto bago pa man ang administrasyong Duterte. Noong Hunyo ng taong 2015, lumagda ang Japan International Cooperation Agency (JICA) sa isang kasunduan na nagpapautang sa Pilipinas sa ilalim ng Official Development Assistance (ODA) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III. Ang pondo na ito ay nakalaan para sa ilang proyekto, kabilang na ang Davao City Bypass Construction Project.
Ang mismong paggawa sa proyekto ay nagsimula noong 2017, sa ilalim na ng Duterte administration.
Noong June 16, 2020, nilagdaan naman ng Pilipinas at Japan ang kasunduan sa pautang para sa karagdagang pondo na nagkakahalagang ₱18.5 bilyon (¥35 bilyon).
Noong Nov. 19, 2021, dumalo ang noo’y Japanese Ambassador to the Philippines na si Kazuhiko Koshikawa sa inspeksyon na inorganisa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Davao City para sa groundbreaking para sa 2.3-kilometrong kambal na tunnel ng Davao City Bypass Road.
Ayon sa DPWH, ang 45.5-kilometrong bypass project ay nahahati sa anim na package.
Ang unang tatlo package (I-1, I-2, I-3), kasama ang nasa 2.3-kilometro ng twin-tube tunnel na ipinapakita sa naturang video, ay pinondohan sa pamamagitan ng pautang mula sa JICA.
Habang ang natitirang tatlong package naman (II-1, II-2, at II-3) ay pinondohan naman ng gobyerno.
Kasabay nito, itinatayo ng gobyerno ang 15.8-kilometrong bahagi ng nasabing Bypass Road.
Ang Ceremonial Breakthrough ng Northbound Tunnel ay ginanap naman noong April 28, 2025 sa Barangay Waan, Davao City matapos makumpleto ang paghuhukay mula sa magkabilang dulo upang maging isang lagusan.
Ginamit ang New Austrian Tunneling (NATM) method para sa paghuhukay at habang ginamit din ang teknolohiya, kaalaman at karanasan ng mga Hapon.
Isinagawa rin ang pagpapasa ng teknolohiya mula sa Japan patungo sa mga lokal na staff, na nag-ambag sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga lokal na manggagawa.
Ang orihinal na video clip na ibinahagi sa TikTok ay mula sa isang Facebook post ng user na si Grace Saron noong Hunyo 4, 2025. Sa naturang video, makikita ang isang eksklusibong media visit sa lugar at wastong binanggit na ang pagpopondo para sa mga package ng proyekto ay pinaghalong pautang mula sa JICA at pondo mula sa gobyerno ng Pilipinas.
Samakatuwid, nakapanlilinlang ang pag-uugnay ng proyekto sa administrasyong Duterte lamang. Ito ay sinimulan at pinondohan sa pamamagitan ng isang kasunduan sa pautang na sinelyuhan noong administrasyong Aquino, habang ang konstruksyon nito sa iba’t ibang yugto ay nagpatuloy sa mga sumunod na administrasyong Duterte at Marcos.
Habang nasulat ito, ang post sa TikTok ay umani na ng 3,147 na likes, 710 na comments at 80 na shares. Rebelyn Beyong
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: CBCP president did not comment on Sara Duterte’s SALN, bank records
A quote card attributed to Gilbert Garcera, president of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines and archbishop of Lipa, falsely claimed that he had commented on Vice President Sara Duterte’s alleged unexplained wealth uncovered during her impeachment trial.
FACT-CHECK: Supreme Court did not junk impeachment case against VP Duterte
Multiple pro-Duterte Facebook pages have repeatedly shared a false claim that the Supreme Court had dismissed the impeachment case against Vice President Sara Duterte.
FACT-CHECK: Sen. Mark Villar did not criticize VP Duterte, Senate minority bloc
An AI-generated graphic with a manufactured quote attributed to Sen. Mark Villar, falsely insinuating that he had publicly criticized the Senate minority and the vice president, has been racking up significant engagement on social media.




