
CLAIM: Namatay na si Sen. Robin Padilla dahil sa isang malubhang karamdaman.
RATING: HINDI TOTOO
Maling itsinismis ng isang YouTube channel na pumanaw na raw si Sen. Robin Padilla dahil sa malubhang karamdaman.
Ipinakita sa thumbnail ng YouTube video ang larawan ng kanyang asawa na si Mariel Padilla, at anak na si Kylie Padilla na umiiyak, kasama ang di umano’y larawan ng senador na nasa hospital bed.
Ang thumbnail ay mayroon ding pekeng pahayag mula kay Kylie, na inaakusahan ang asawa ng senador na siya raw ang may kasalanan sa nangyari.
Ang mga larawan na ginamit sa thumbnail ng video ay kinuha lang mula sa isang lumang larawan ni Padilla o mga screengrab mula sa iba’t ibang palabas sa telebisyon.
Ang larawan ni Padilla na nakaratay sa hospital bed ay kuha ng kanyang asawa noong siya ay nagrerecover matapos sumailalim sa isang heart procedure noong 2022.
Ang larawan naman ni Mariel na ginamit sa thumbnail ay isang screengrab mula sa kanyang guest appearance noong 2019 sa “Magandang Buhay” kasama ang senador, kung saan siya ay naging emosyonal matapos makatanggap ng isang regalo mula sa mga host ng show.
Ang larawan naman ni Kylie na umiiyak ay isang emosyonal na eksena mula sa isang episode ng kanyang drama na “Ang Lihim ni Urduja” noong 2023.
Aktibo si Padilla sa pagpopost ng mga update sa kanyang official na Facebook page, isang patunay na mali ang tsismis na yumao na siya.
Walang report ang lumabas tungkol sa di umano’y pagpanaw ni Padilla. Wala ring anunsyo tungkol sa kanyang pagkamatay sa official website ng Senado ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 94,699 na views at 1,000 na likes ang video sa YouTube. Leigh San Diego
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT CHECK: Fake quote cards expressing support for ex-president Duterte surface as he faces ICC
Several fabricated quote cards have surfaced on social media showing known figures, fictional characters, and even porn stars made to express support for former president Rodrigo Duterte.

FACT-CHECK: First lady did not have a photo with ICC judges
A photo of first lady Liza Araneta-Marcos with two women, who were falsely identified by supporters of former president Rodrigo Duterte as the judges of the International Criminal Court who signed his arrest warrant, has gained traction on social media.

FACT-CHECK: US President Donald Trump did not release any statement regarding Duterte’s arrest, ICC
Various fake quote cards and edited videos featuring spliced speeches of US President Donald Trump appearing to support Rodrigo Duterte amid his arrest have been circulating on Facebook and its vertical video platform, Reels.