CLAIM: Natagpuang patay si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at si dating pangulong Rodrigo Duterte ang may pakana nito.
RATING: HINDI TOTOO
Maling itsinismis ng isang Facebook page na patay na raw si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at si dating pangulong Rodrigo Duterte raw ang may kagagawan nito.
Nagpost ang Facebook page ng isang edited na larawan na maling nagpapakita ng pagkuha ‘di umano ng mga labi ni dela Rosa. Hindi mahanap ang orihinal na larawan sa ngayon dahil may takip ang gitnang parte nito.
Pinost ng Facebook page ang maling impormasyon na ito noong Oct. 17, ilang araw matapos sabihin ni Kerwin Espinosa sa House of Representatives’ quad committee hearing na pinilit siya ni dela Rosa na kumanta laban kay dating senador Leila de Lima noong 2016.
Noong Oct. 12, naglabas ng pahayag si dela Rosa bilang sagot sa mga sinabi ni Espinosa sa hearing, tinawag niya si Espinosa na sinungaling at hindi mapagkakatiwalaang testigo.
Aktibo si dela Rosa sa pagpopost ng mga update sa kanyang personal at official na Facebook page, isang patunay na mali ang tsismis na yumao na siya.
Kilalang magkaalyado sa politika sina Duterte at dela Rosa, at parehong miyembro ng PDP Laban Party.
Noong Oct. 20, nagpost ang PDP Laban ng listahan ng mga “Duterte approved” na kandidato para sa pagka senador para sa eleksyon 2025, at kasama dito si dela Rosa.
Ang larawan na pinost ng Facebook page ay ginamit din bilang thumbnail ng isang YouTube video at mayroon na itong 182,409 na views. Leigh San Diego
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Willie Revillame is not promoting an online casino
A Facebook page used a photo of Willie Revillame to falsely imply that he was endorsing an online casino.
FACT-CHECK: Robin Padilla is alive
A YouTube channel falsely claimed that Sen. Robin Padilla had died due to a severe illness.