CLAIM: Pumanaw na ang mga kritiko ni dating pangulong Duterte.
RATING: HINDI TOTOO
May kumakalat na video sa Facebook na maling nagpapahiwatig na ang mga kritiko ni dating pangulong Rodrigo Duterte ay pumanaw na.
Nakasaad sa caption na: “Nag-promo na ang [St. Peter]! [CTTO: St. Peter]” (may promo na raw ang St. Peter), at maling iniuugnay ang kilalang memorial services company bilang orihinal na pinagmulan ng video.
Sa naturang video, binanggit ng Facebook user na si “Royce Kenneth Arieta” ang pangalan ng ilang mambabatas na aktibo sa mga pagdinig sa Kamara kaugnay ng kontrobersyal na “war on drugs” ni Duterte.
Kabilang dito sina Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante, Abang Lingkod Rep. Stephen Paduano, Gabriela Rep. Arlene Brosas, Act-Teachers Rep. France Castro, Kabataan Rep. Raoul Manuel, at Santa Rosa, Laguna Rep. Danilo Fernandez.
Binanggit din ang mga kilalang kritiko ni dating Pangulong Duterte tulad nina dating senador Antonio Trillanes IV at Leila de Lima.
Sa kasalukuyan, walang anumang ulat na nagpapatunay na pumanaw ang sinuman sa mga nabanggit na personalidad.
Dagdag pa rito, wala ring anumang post mula sa opisyal na Facebook page ng St. Peter Life Plan and Chapels na may kaugnayan sa mga personalidad na ito o anumang sinasabing “promo.”
Sa ngayon, ang video ay umani na ng 9,000 reactions at 6,000 shares. Hurt Allauigan
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy
FACT-CHECK: Willie Revillame is not promoting an online casino
A Facebook page used a photo of Willie Revillame to falsely imply that he was endorsing an online casino.
FACT-CHECK: Robin Padilla is alive
A YouTube channel falsely claimed that Sen. Robin Padilla had died due to a severe illness.